Monday, September 7, 2015

16 Pinoy arestado dahil sa iligal na pagsusugal sa casino sa Hong Kong

ILOILO CITY - Arestado ng Hong Kong police ang 16 na mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa umano'y iligal na pagsusugal sa casino.

Sa report ni Merly Bunda, news correspondent ng Bombo Radyo sa Hong Kong, ang 16 na naarestong OFW, nasa tatlo ang lalaki at 13 naman ang mga babae.

Ilan umano sa mga Pinoy na nahuli ay mga nagmula sa Iloilo at Bacolod.

Napag-alaman na matagal nang nagmamasid ang mga Hong Kong police sa loob ng casino kung saan palihim nilang kinukuhanan ng video ang mga sugarol upang gawing ebidensya .

Pinagmulta naman ang mga nahuli at binalaan na sakaling makita pa ang mga ito na nagsusugal, ipapa-deport na ang mga ito sa Pilipinas.

No comments:

There was an error in this gadget
There was an error in this gadget