Monday, September 7, 2015

Fil community sa Israel, nagdiwang sa pagtatapos ng 500 Pinoy agri students

LA UNION - Nakatakda nang umuwi sa bansa ang mahigit 500 Pinoy agriculture students matapos sumailalim sa 11 buwang pagsasanay sa iba't ibang campuses sa bansang Israel.

Sa impormasyong ipinaabot sa Bombo Radyo ni Geoffrey Olayan, presidente ng Filipino Community in Israel, sinabi nito na isang pagtitipon ang isinagawa kagabi para sa 540 mag-aaral na nagmula naman sa 26 state colleges and universities (SUCs) sa Pilipinas.

Nabatid na ang nasabing mga estudyante 2014-2015 batch ng mga trainees sa ilalim ng partnership ng bansang Pilipinas at Israel upang mapag-ibayo pa ang kaalaman at karanasan sa larangan ng agrikultura.

Matatandaang ilan sa kanila ay nakadestino sa Golan heights farm malapit sa pinangyarihan ng mga kaguluhan sa nakaraang mga buwan.

Inaasahan namang ibabahagi ng mga nagtapos na estudyante ang kanilang bagong kaalaman sa agriculture technology pag-uwi nila ng bansa.

No comments:

There was an error in this gadget
There was an error in this gadget