Monday, September 7, 2015

Ilang OFWs, hindi raw kumbinsido sa 'sorry' ni Customs Chief Lina

VIGAN CITY - Hindi umano naniniwala ang ilan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa paghingi ng tawad ni Bureau of Customs (BOC) Chief Albert Lina hinggil sa isyu ng pagbubukas sa mga balikbayan boxes na ipinapadala nila sa mga kaanak sa bansa.

Isa na rito ay si Anthony Guzman ng San Juan, Ilocos Sur, na nasa Al-Khobar, Saudi Arabia, kung saan sinabi niya na kunwari lamang ang ginawa ng BOC para makakuha ng suporta ang Liberal Party mula sa mga OFWs sa iba't-ibang panig ng mundo.

Aniya, kapag mananalo ang LP, siguradong itutuloy na naman ang sinimulang pagbukas sa mga balikbayan boxes.

Sa katunayan ay nagbigay si Guzman ng kanyang sariling bersyon ng advocacy ng administrasyon na "ituloy ang maling daan dahil kung may kurap, kami ay 'di maghihirap.'

Samantala, hindi rin kumbinsido si Ginoong Brigido Cabanting sa paghingi ng tawad ni Lina dahil naniniwala siyang hindi ito sapat upang makalimutan agad ang kanyang hakbang laban sa kanilang mga OFWs.

Sinabi niya na dapat disiplinahan si Lina upang huwag pamarisan sa ibang mga opisyals ng ibang ahensya sa gobyerno.

No comments:

There was an error in this gadget
There was an error in this gadget