Monday, September 7, 2015

Lina 'di dapat mag-sorry sa OFWs - Palasyo

Muling ipinagtanggol ng Malacañang si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Alberto Lina sa kontrobersyal na naunang hakbang na buksan ang mga balikbayan boxes ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ginagampanan lamang ni Lina ang kanyang tungkulin.

Ayon kay Coloma, sadyang hindi nauunawaan ng publiko ang aksyon ni Lina sa tunay at pangunahing layuning mapigilan ang mga nananamantala sa Balikbayan boxes at talamak na smuggling.

Una rito, nanawagan ang ilang grupo ng mga overseas filipino workers na mag-public apology si Lina dahil sa pagtarget nito sa mga OFWs.

Hindi naman natuloy ang nasabing plano ni Lina matapos pigilan ng Pangulong Noynoy Aquino at bubuksan na lamang ang mga balikbayan boxes kung makitang may kahina-hinalang laman sa X-ray.

"Ginagampanam niya ang kanyang tungkulin at hindi ganap na naunawaan na ang pangunahing layunin ay ang pagpigil sa smuggling at nagsasamantala," ani Coloma.

No comments:

There was an error in this gadget
There was an error in this gadget