Religious gatherings sa Abril 1-4, OK – IATF
By Bombo Reymund Tinaza -March 26, 2021 | 1:55 PM105 Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseasesd (IATF) na magkaroon ng religious gatherings isang beses kada araw mula Abril 1 hanggang 4 o sa Semana Santa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang 10 porsyento lamang ang seating capacity sa loob ng mga simbahan. “Mabuting balita po para sa gustong magsimba ngayong Semana Santa, pinayagan po ng inyong IATF ang once a day religious gatherings mula a-uno hanggang a-kwatro ng Abril,” ani Sec. Roque. Ayon kay Sec. Roque, kailangan sumunod sa mga minimum health protocols laban COVID-19 ang mga magsisimba. “Dahil dito ang mga religious denominations ay kinakailangan sundin at ipatupad ang mga sumusunod na karagdagang mga controls bukod pa sa mga dating nilang ginagawang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na Covid-19 habang sila ay nagsasagawa ng kanilang mga religious services o activities,” dagdag ni Sec. Roque. Iniha...