Epekto ng mga pagsabog sa halaga ng piso
Kadalasan, bumababa ang halaga ng piso kapag may nangyayaring kaguluhan gaya ng mga pagsabog o pambobomba:
Glorietta explosion
May 17, 2000
May 21, 2000
December 30, 2000
FitMart bombing
April 21, 2002
Valentine's Day Bombings
February 14, 2005
August 28, 2005
February 20, 2006 (Monday)
pre-ASEAN bombings
January 10, 2007
October 19, 2007
-Gmanews.tv
Glorietta explosion
May 17, 2000
- 13 sugatan
- Bahagyang humina ang halaga ng piso sa mismong araw ng pagsabog at sa sumunod na araw
May 21, 2000
- 1 patay
- Linggo nangyari ang pambobomba; walang trading
- Bumaba ang halaga ng piso noong sumunod na araw, nang magbukas ang trading; mula 41-level, mabilis itong bumulusok ng 42- hanggang 43-level sa loob lamang ng ilang araw
- Nangyari ang pambobomba ilang araw lang matapos ang pagsabog sa Glorietta
December 30, 2000
- 22 ang patay at humigit-kumulang 100 ang sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pambobomba sa Kamaynilaan. Kabilang sa mga binomba ang LRT
- Bumaba ang halaga ng piso by almost one peso matapos ang pambobomba. Nasa 50-level lang ito nung Biyernes bago ang insidente; nang mag-resume ang trading after the weekend bombing, nag-51-level na ang halaga ng piso
- Hindi na nakabawi pa ang halaga ng piso sa mga sumunod na linggo dahil na rin sa patuloy na impeachment trial laban kay Pangulong Estrada. Nagsimula na lang itong tumaas muli matapos ang EDSA II.
FitMart bombing
April 21, 2002
- 15 patay
- Inako ng Abu Sayyaf ang pambobomba
- Linggo nangyari ang pambobomba; walang trading
bahagya lamang na bumaba ang halaga ng piso kinabukasan; matapos nito, nakabawi agad ang halaga ng piso - Davao Airport bombingMarch 4, 2003
- 21 ang patay sa pambobombang nangyari malapit sa arrival area ng Davao International Airport sa Davao City, Davao del Sur. Inako ng Abu Sayyaf ang pambobomba.
- Bahagyang bumaba ang halaga ng piso sa mga sumunod na araw matapos ang insidente
Valentine's Day Bombings
February 14, 2005
- 8 ang patay sa magkakahiwalay na pambobomba sa General Santos City, Makati at Davao City.
tapos na ang trading nang maganap ang pambobomba - Kung titingnan ang trend ilang araw bago ang mga pambobomba, palakas ang halaga ng piso; pero matapos nito, bahagyang humina ang piso sa loob ng ilang araw
- Halos isang buwan din ang inabot bago nakabawi ang piso (bumalik sa range nung halaga nito before the blast)
August 28, 2005
- 29 sugatan
- Mula 55-level, umabot ng 56-level ang halaga ng piso matapos ang pagsabog
- Matatantong kasagsagan noon ng impeachment complaints laban kay Pangulong Arroyo
February 20, 2006 (Monday)
- Niyanig ng pagsabog ang Malacañang. Lacquer thinner na itinapon sa basurahan ang itinuturong dahilan ng pagsabog.
- Bahagyang bumaba ang halaga ng piso matapos ang pagsabog, pero kinabukasan lang ay agad na nakabawi ito. Bumaba na lang ito ulit nang mag-anunsyo si Pangulong Arroyo ng state of national emergency noong linggo ding iyon
- Ayon sa Philippine Stock Exchange, ang pagsabog sa Palasyo ay isa rin sa mga naging dahilan kung bakit humina ang stock market sa buwan ng Pebrero 2006
pre-ASEAN bombings
January 10, 2007
- Mula 48-level, umapak ng 49-level ang halaga ng piso
October 19, 2007
- 11 ang namatay at mahigit 100 ang sugatan sa pagsabog sa Glorietta 2 sa Makati noong October 19.
- Bumaba ang halaga ng piso nang mangyari ang pagsabog sa Glorietta 2; mula P44.05=$1 noong October 18, bumaba ito sa P44.24=$1 noong October 19.
- Tapos na ang trading sa stock exchange nang mangyari ang pagsabog; pero nang sumunod na Lunes, bumaba nga ang Philippine stocks, maging ang stocks ng Ayala Land Inc., ang may-ari at operator ng Glorietta.
- Makalipas ang weekend, tila bahagya nang nakabawi ang halaga ng piso; nagsara ito sa P44.115=$1 noong October 22.
- Sasa Wharf Bombing (April 2, 2003) -16 patay
- pagsabog sa Parang, Maguindanao (January 4, 2004) - 22 patay
- sunog sa SuperFerry 14 (February 27, 2004) - 94 patay; ayon sa Abu Sayyaf, sila ang may kagagawan sa insidente
- pagsabog sa palengke sa General Santos City (December 12, 2004 at September 7, 2006)- mahigit 10 ang patay sa dalawang magkaibang insidente
- magkahiwalay na pagsabog sa Tacurong City, Sultan Kudarat at Makilala, North Cotabato (October 10, 2006) - 14 patay
-Gmanews.tv
Comments