BABALA: Mag-ingat sa buto ng grapes. Read on.

Subject: FW: Dubai , UAE Airport Incident

CASE SUMMARY

Ako po si Raquel Dia Regino at ang aking asawang si George Fernandez Regino ay biglaang umuwi ng Pilipinas noong February 22, 2009 galing Dubai upang magdalamhati sapagkat namatay ang aking ina na noon ay nakaburol sa Bongabong Oriental Mindoro, Philippines. Kami ay nagtatrabaho sa isang company at binigyan kaming mag asawa ng (2) weeks na emergency leave.

Noong March 6 2009, 10:30pm bumalik kami ng Dubai . Sa aming pagbalik, sakay ng Emirates Airlines habang kami’y palabas ng Exit Terminal 3 Dubai Airport, hinarang kami ng isang Security Officer. Hiningi nya ang aming passport at sinabing ichecheck ang aming bags. Sumagot agad kami, “Yes sure, no problem you can check our bags.” Tinanong namin ang Security Officer kung anong problema sapagkat natural na magtaka kami dahil maraming pasaherong dumadaan na hindi nila iniinspection ang mga bags. “It’s just a normal checking” ang sagot ng Security Officer. Kaylangan daw naming sumunod sa policy nila, dahil kung hindi kaya nilang icancel ang visa namin. Sumunod kami sa lahat ng instructions sa min dahil alam naming wala kaming tinatago.

Dinala ang asawa ko ng Security Officer kasama ang isang babaeng Arabic sa isang side upang icheck ang handcarry bag nya pero hindi ako allowed na kaharap during checking. Sa kabilang side, dinala naman ako para icheck ang mga bagahe ko.
After ng checking tinanong ko ang asawa ko kung bakit chineck ang bags namin, sinabi ng asawa ko na naghinala daw sa mata nya ang Security Officer dahil sa mapula ang kanyang mga mata. Pinaliwanag nya na mahigit (1) week kaming walang tulog dahil namatayan kami at buong biyaheng hindi masyadong nakatulog dahil sa panonood ng movies sa eruplano.

Kinausap ako ng Security Officer at sinabing may nakitang Marijuana seeds sa handcarry bag ng asawa ko. Nagulat ang asawa ko sa sinabi ng officer dahil ang mga butong nakuha sa kanya ay GRAPE SEEDS at hindi sya gumagamit ng Marijuana. Pinaliwanag nya na sa pagkakatanda nya, few months ago kumain sya ng grapes at nailagay nya ito sa bag na noon ay malapit sa kinauupuan nya dahil sa tinamad siyang tumayo para itapon ang buto sa basurahan na malayo sa kanya. Since emergency ang dahilan ng paguwi naming ng Pilipinas, hindi na nya nagawang maglinis ng bag. Ayon sa asawa ko, kung iyon ay Marijuana seeds, kahit sinong tao siguro magiging aware na iyon ay itago at hindi basta nakakalat sa bag.

Naniniwala ako sa sinasabi ng asawa ko dahil sa (9) years na pagsasama namin, wala akong naging problema sa kanya. He is a very hardworking, responsible husband and disciplinarian father to my daughter. He’s always thinking about the future of our family that’s why we decided to work in Dubai .

Pinapasok ang asawa ko sa Customs office sa loob ng Airport Terminal 3 nung mga oras na yon para gawan nila ng report. Ayon sa asawa ko kinuhanan sya ng picture at finger prints na napakasakit para sa min para gawin nila ang ganung procedure sa isang taong walang nagawang kasalanan. Nagpaliwanag kaming dalawa sa Chief, kinuha ko ang camera namin upang ipakita ang picture ng aking Inang nasa loob ng kabaong para lang maniwala silang hindi kayang gawin ng asawa ko ang magdala ng ganung drugs dito sa Dubai dahil umuwi kami para magluksa pero di nila kami pinaniwalaan.

Pinakita sa kin ang seeds na nakuha nila at nakita kong mga buto nga ito ng Grapes. (Light green color, size of grape seeds and pointed at one side of the seed) Pinapirmahan kay George ang report na ginawa nila na sulat sa Arabic at sinabing “This is just a procedure. He needs to sign in the report.” Sinabi ko sa asawa ko na wag basta pipirma kaylangan nya munang basahin kung ano ang statement na yon. Sinabi ni George na hindi nya mababasa kase Arabic ang sulat. Walang nagawa kundi pumirma ang aking asawa dahil na rin sa takot na baka lalo syang idiin sa kaso kung hindi sya susunod. Kinuha din nila ang mobile phone ni George.

Pinauwi na nila ako at sinabing they need to keep my husband for investigation. Kung gusto ko daw malaman ang status ng case ni George pwede kong puntahan sa Dubai Police Headquarters Main Office. Sinabi ng asawa ko na he’s willing to undergo for drug test just to prove na hindi drugs ang Grapes Seeds na yun.

Wala kaming nagawa , umiyak ako ng umiyak sa airport at nagdasal sa Diyos na sana maliwanagan ang isip at maawa ang mga taong naghinala sa asawa ko. Naghiwalay kami ng asawa ko, umuwi ako mag isa at sya’y dinala na ng CID at pinosasan sa harap ng maraming tao sa Airport.

Walang nagawa ang asawa ko kundi tumungo sa harap ng maraming tao na hindi sya makapaniwalang naroon sya sa sitwasyong hindi namin inaasahang mangyayari sa min sa kabila ng dahilang kaya lang kami umuwi ng Pilipinas ay hindi para magbakasyon kundi para magdalamhati sa aking Inang namatay.

Habang sya ay palabas ng Airport, naawa sa kin ang isang CID, sikretong binigay ang kaniyang mobile number para malaman ko kung san pwedeng makontak si George.

Nagpasalamat ako sa pinakitang malasakit sa kin. Hindi ko na nakausap ang asawa ko simula ng maghiwalay kami ng airport. Magdamag akong di nakatulog sa pag-alala sa asawa ko.

Bandang 3:00am tumawag ang asawa ko gamit ang telepono ng CID na nagmalasakit sa min. Kinabukasan maraming beses akong tumawag sa CID Headquarters para alamin kung makakalabas na ang asawa ko. Tinawagan din ng Employer ko ang CID pero kaylangan daw madetain si George ng (2) days. Tinawagan ko ulit ang CID at nagmakaawang baka pwede na nilang irelease ang asawa ko dahil hindi totoo ang binibintang nila.

Pumayag si Lt. Abdullah ng CID sa temporary release kapalit ng passport ko. Dinala ko agad ang aking passport sa CID at sinabi ni Lt. Abdullah na temporary release lang si George dahil NEGATIVE ang result ng urine test na ginawa habang hinihintay ang result sa investigation sa seeds to be done by the Airport Customs. Pinatawag nya ako after 2 days to follow-up the result for the seeds. Nung una wala pa daw lumalabas na result. Pangalawang follow-up ko sinabi na CLEARED naman daw at pwede na naming kunin ang aming passports anytime.

Hindi agad kami nakapunta para kunin ang passport dahil sa sobrang busy sa trabaho. Noong March 19, 2009 pumunta kami ng CID para kunin ang passport pero naghintay kami ng matagal dahilan sa biglang umalis ng opisina si Lt. Abdullah hanggang sa sinabi sa min na bumalik na lang ulit kami ng CID.

Noong March 23, 2009 tumawag ako kay Lt. Abdullah para siguraduhin na kung pwede na naming makuha ang passport sinabi nya na pwede na at wala daw problema ang result sa seeds. Nakiusap kami na kung pwedeng makuha ng gabi after office hour at pumayag naman sya. Pero di kami nakapunta that night dahilan sa kaylangan naming mag-over time sa trabaho. Nagsend ako ng message kay Lt. Abdullah to inform at humingi ng apology na hindi kami makakapunta dahil sa kaylangan naming magovertime. The next day tumawag ang CID na kaylangan na naming kunin ang passports namin.

Pumunta kami ng CID March 24, 2009 nakausap namin si Lt. Abdullah, natakot ako ng makita kong (1) lang ang binigay na passport , passport ko lang. Tinanong ko sya ,“What about the passport of my husband? Sinabi nya, “No! We can file a case against him”. He explained, “The seeds are illegal. There is no any problem with CID because he’s NEGATIVE in drug test, if you want to explain, explain in the airport because they are the one who caught the seeds from the bags.”

Nagmakaawa ako kay Lt. Abdullah hanggang sa di ko na nakita ang asawa ko. Kinulong ulit nila si George at dinala kinabukasan sa Airport 2 Deportation Center.

Kinausap si George ng prosecutor, lumalabas sa report na (12pcs) Marijuana seeds ang kaso nya. Ang pagkakamali namin hindi namin nabilang ang seeds that time na nasa airport kami. Pilit syang pinapaamin kung kanya talaga ang seeds na pinapakita sa kanya. Pagkakita nya sa seeds, hindi nya kayang sabihing Yes, dahil sa may pagkakaiba na ang hitsura sa buto na dating nakuha sa kanya. Nag-alala sya na baka pinalitan ang seeds kaya sinabi nya sa prosecutor na “No, I cannot say because it’s a bit different from the seeds inside my bag.” Nagalit ang prosecutor sa kanya at tinakot na hanggat hindi umaamin, tatagal ang kaso nya.
Kinausap ko rin ang prosecutor sa Airport 2 upang i-explain ang nangyari at sabihing hindi kayang magdala ng asawa ko ng drugs dito sa Dubai . Pinakita ko rin ang picture ng aking namatay na ina para lang maniwala sila sa lahat ng sinasabi namin.
Sa ngayon, under investigation pa rin ang status ng kaso nya, ang tanging hiling lang po namin sa inyo sentor ay matulungan kami na mabigyan ng hustisya ang kaso nya kahit pauwiin na lang ng Pilipinas sa lalong madaling panahon para mapanatag ang loob ko at pamilya naming naiwan sa Pilipinas.

Maraming Salamat Po .

RAQUEL DIA REGINO
Nagsasalaysay

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star