Actors turn into OFWs

Iniwan nila ang glamoroso at maingay na mundo ng showbizness upang makipagsapalaran sa ibang bansa at makapagsimula ng bagong buhay.

Sa episode ng OFW Diaries hosted by Kara David nitong Biyernes, ikinuwento nina Julio Diaz at Bernardo Bernando ang kanilang naging karanasan bilang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Dekado 80 nang sumikat si Julio sa industriya ng showbiz bilang dramatic actor. Sa husay niya sa pag-arte, dalawang Best Actor Award na kanyang naiuwi.

Ngunit matapos makagawa ng mahigit 60 pelikula, unti-unti nang nawala ang ningning ng bituin ni Julio, na nagmarka sa ginawa niyang pelikula tungkol sa buhay ng bayaning si “Macario Sakay."

“During that time kasi nandito ako sa bansa natin, siyempre medyo bumaba na nang bumaba yung career ko, bumaba na yung marketing value ko rito as an actor, so sabi ko hindi ako puwedeng titigil lang dito para lang sa isang bagay na para bang maghihintay," kuwento ni Julio sa OFW Diaries.

Taong 2002 nang lumipad si Julio sa Australia at nagtrabaho siya doon bilang waiter. Dahil sanay sa hirap ng buhay, nagawa rin ni Julio na magtrabaho bilang construction worker kung saan naging assistant siya sa paglalagay ng tiles sa mga bahay.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Bukod sa Australia, nasubukan din ni Julio na magtrabaho sa Japan bilang entertainer.

Ngunit hindi katulad ng malaking kita niya sa pag-aartista noon, naging buwanan ang sahod ni Julio bilang isang OFW.

Sa kabila nito, ipinagmamalaki ni Julio ang kanyang mga karanasan at hindi raw niya ikinahihiya ang pakikipagsapalaran sa ibang bayan.

Tulad ni Julio, dekada 80 rin nang pasukin ng komedyanteng si Bernardo Bernardo ang showbizness. Masasabing dekada 90 nang sumikat siya nang husto dahil sa karakter niyang mataray na boss ng Comedy King na si Dolphy sa isang sitcom.

Sadya raw iniwan ni Bernando ang showbiz noong 2002 at lumipad patungong California, USA dahil naramdaman na niyang hindi na siya masaya sa kanyang ginawa sa harap ng camera at ibabaw ng entablado.

“Siguro masasabi ko na pinaka-height ng career ko sa telebisyon ang makasama si Dolphy, the one and only Dolphy sa isang sitcom, Home Along the Riles of course. Na for almost 11 years hit sa Philippine television at hanggang ngayon pinapanood pa sa cable," pagmamalaki niya.

“Sa totoo po n’yan kaya ako umalis hindi na ko masaya. Kumbaga nagawa ko na ang gusto kong gawin sa Pilipinas; sa entablado, sa pelikula, sa telebisyon," pagtatapat

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star