Pinay DH, pumanaw sa araw na makababalik na sana siya sa ‘Pinas
Naging mapagbiro ang tadhana sa isang distressed Pinay domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia dahil binawian siya ng buhay sa araw kung kailan sasakay na siya ng eroplano na maghahatid sana sa kanya pauwi ng Pilipinas.
Sa impormasyong nakalap mula sa grupong Patnubay, ang pumanaw na OFW ay kinilalang si Lilia Prestado, 44-anyos, mula sa bayan ng Taytay, at mahigit isang taon nang TNT o tago ng tago mula nang tumakas sa kanyang amo.
Ang Patnubay ay isang advocacy group sa Gitnang Silangan na tumutulong sa mga nagigipit na OFW.
Napag-alaman na nitong Pebrero ay inindorso ng Patnubay si Prestado sa Bahay Kalinga. Ito ay lugar na pinangangasiwaan ng pamahalaan, at kinukopkop ang mga nagigipit na OFWs.
Sinasabing may sakit sa puso at goiter si Prestado, bukod pa sa kanyang asthma, at iba pang komplikasyon sa kalusugan.
Ayon sa Patnubay, walong buwan lamang nagtrabaho si Prestado sa kanyang amo at pagkaraan nito ay tumakas na. Hindi malinaw kung ano ang dahilan kung bakit iniwan ni Prestado ang kanyang amo.
Batay sa kanyang medical report, lumitaw naman na ipinagamot si Prestado ng kanyang amo, kuwento ng Patnubay.
Mula nang tumakas sa amo, muling nagtrabaho si Prestado at maaari umanong napabayaan nito ang kalusugan kaya lumalala ang mga karamdaman hanggang sa iendorso na sa Bahay Kalinga.
Ikinagulat umano ng mga tao sa Bahay Kalinga ang biglang pagpanaw ni Prestado dakong 10:30 a.m. nitong Sabado dahil nakita pa nila itong masaya habang nag-eempake ng kanyang mga gamit. Nakakuha rin siya ng medical certificate na nagsasaad na puwede siyang bumiyahe.
Nais naman ng Patnubay na malinawan kung bakit inabot ng tatlong buwan si Prestado sa Bahay Kalinga bago makauwi sa Pilipinas samantalang may malubha itong karamdaman. Dapat din umanong maging malinaw kung sino ang dapat humawak ng mga kasong katulad kay Prestado na may malalang sakit.
Bukod kay Prestado, may isa pang OFW sa Bahay Kalinga ang namatay dahil sa sakit nitong Mayo 15, ayon sa Patnubay.
Sa panayam sa telepono kay Vice Consul Roussel Reyes, ng Assistance to National ng Philippine Embassy sa Riyadh, ipinaliwanag niya na naindorso sa kanila si Prestado nito lamang Marso. Kaagad daw nila itong dinala sa ospital para maipagamot habang inaayos ang mga dokumento sa kanyang pagpapauwi.
Ikinalungkot ng opisyal ang nangyari kay Prestado dahil pumanaw ito kung kailan nakatakda na siyang umuwi sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Reyes na pinagtutulungan ng Assistance to National (ANS) at Philippine Overseas Labor Office (POLO), ang pag-asikaso sa mga uuwing OFW na may sakit, lalo na kung TNT. Mas mahirap umanong maipasok sa ospital ang mga TNT at wala ring medical facilities ang Bahay Kalinga.
Kinumpirma rin ni Reyes na sakit din ang dahilan ng pagkamatay ng isa pang OFW na si Lokaya Talebombong noong Mayo. Pero hindi umano niya alam ang detalye nito dahil sa hindi siya ang may hawak ng kaso.
Dahil sa pagpanaw ni Prestado, sinabi ni Reyes na panibagong pag-aayos sa mga dokumento ang kanilang gagawin bago maiuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.
Noong una ay na-wave daw ang lahat ng penalties ni Prestado. Pero dahil sa kanyang pagpanaw, kailangang kumuha ng panibagong exit visa para sa pumanaw na OFW at dapat bayaran na rin ang penalties nito.
Payo ni Reyes sa mga OFW na may karamdaman, makabubuting bumalik na sa bansa habang malakas pa ang katawan at huwag hintayin na lumalala ang sakit. -- Ronaldo Z. Concha/ FRJ, GMA

Comments