Pangambang sibakan sa mga OFW sa KSA dahil sa ‘Saudization,’ pinawi ni Sec Baldoz

SURIGAO CITY – Pinawi ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis Baldoz ang mga pangamba na nanganganib mawalan ng trabaho ang tinatayang 1.5 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil sa ipatutupad na “Saudization" system sa kaharian.

Ang pahayag ay ginawa ni Baldoz sa mga dumalo sa 68th Caraga Regional Development Council Meeting na ginawa sa Surigao City nitong Biyernes.

“Huwag po kayong maniwala na maapektahan kaagad ang ating 1.5 milyong manggagawa sa Saudi Arabia, there is no truth on that because Saudi Arabia will not be as it is now without migrant Filipino skilled workers they need us," bahagi ng talumpati ni Baldoz.

Idinagdag ng kalihim na nagbigay ng katiyakan ang labor secretary ng KSA nang magkita sila sa isang pulong sa Geneva noong Hunyo, na hindi maaapektuhan ng ipatutupad na bagong sistema sa kaharian ang mga manggagawang Pinoy dahil karamihan naman sa kanila ay mga highly skilled workers.

Idinagdag pa umano ng opisyal ng KSA na patuloy nilang kakailanganin ang mga migranteng manggagawa dahil sa mga ipatatayong mega cities na magsisimula sa 2014.

“So ‘wag ho kayong maniniwala doon na magsisiuwian na ang mga 1.5 milyong OFWs dito sa bansa natin," pagpapakalma ni Baldoz.

Ipinaliwanag din ng kalihim na ang gagawing pagbibigay prayoridad ng KSA na bigyan ng trabaho sa kanilang mga kababayan ay bunga na rin ng mga nagaganap na protesta sa ilang bansa sa Middle East.

Ilan sa mga bansa sa ME na nagkakaroon ng protesta ay ang Tunisia, Egypt, Yemen, Libya, at Bahrain. Kabilang sa panawagan ng mga nagpoprotesta sa kanilang pamahalaan ay dagdag na hanap-buhay.

Sakali namang magdesisyon ang mga OFW na umuwi na sa Pilipinas, sinabi ni Baldoz na may nakahandang programa sa kanila ang pamahalaan tulad ng pagtatayo ng kanilang sariling negosyo.

“That’s why I admire Surigao del Norte officials in initiating first livelihood summit to answer returning OFWs need but also local residents to start their livelihood projects that will not necessary for them to look for jobs abroad but look for local opportunities and have their skills and talents be used not by other countries" ayon kay Baldoz. - GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star