Senador, nadismaya sa mababang budget na inilaan sa OFWs sa 2012
MANILA – Ikinalungkot ni Sen Manny Villar na hindi dinagdagan ng pamahalaan ang pondong inilaan para sa mga magigipit na overseas Filipino workers (OFWs) sa susunod na taon.
Sa pagbubukas ng unang OFW and Family Summit sa World Trade Center nitong Huwebes, sinabi ni Villar na hindi patas ang pondong inilaan para “Distressed National Fund ng Department of Foreign Affairs (DFA), kung ikukumpara ang malaking remittances na ipinapadala sa Pilipinas ng mga OFW bawat taon.
“Nakakadismaya na malaman natin na kakarampot lamang ang pondong inilaan ng ating gobyerno upang tulungan ating mga kababayan na nagigipit sa abroad. Paano na lamang iyong mga nakukulong, pinagmamalupitan ng kanilang amo, o hindi makauwi dahil minalas sa kanilang trabaho,” pahayag ni Villar patungkol sa 2012 budget na inaprubahan ng Senado noong Martes.
Ang OFW and Family Summit na isasagawa na taun-taon ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Villar Foundation at GoNegosyo. Pangunahing layunin nito na bigyan pagkilala ang pamilyang OFWs at mabigyan sila ng pagkakataon na makapagtayo ng sarili nilang kabuhayan.
Sa ganitong paraan ay hindi umano lubos na aasa ang maiiwang pamilya sa kita ng mahal nila sa buhay na nagtrabaho sa ibang bansa. Bukod dito, matiyak na may patutunguhan ang pinaghirapan nila sa ibayong-dagat.
Bukod sa maliit na pondong inilaan sa DNF ng DFA, pinuna rin ni Sen Villar ang hindi pag-usad ng panukalang batas na magtatag ng sangay ng pamahalaan na tututok sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa.
“Maraming tumutol kasi marami na dapat departamento ang ating pamahalaan. Eh anuman ang pakialam natin sa maraming departamento sa ating pamahalaan, isa itong tanggapan para sa mga OFW na malaki ang naitulong sa ating ekonomiya,” giit ni Villar.
Binigyan-diin niya na walang saysay ang pagtawag sa mga OFW bilang “bagong bayani” kung kulang naman ang naibibigay na tulong sa kanila ng pamahalaan.
Sa pagtatapos ng kanyang termino bilang senador sa 2013, ipinangako ni Villar na ipagpapatuloy niya ang personal na pagtulong sa mga OFW bilang sukli sa tagumpay na nakamit ng kanyang negosyo sa pabahay.
Nauna nang sinabi ni Villar ang pagtigil sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino sa 2013. Ito ay sa kabila ng mga mungkahi na tumakbo siyang muli bilang kongresista ng Las Pinas, at asintahin ang posisyon ng Speaker – ang ika-apat na pinakamataas na puwesto sa bansa na minsan niyang hinawakan. (Basahin: Villar, iiwan na raw ang pulitika)
Taunang OFW and Family Summit
Sa isinagawang pagtitipon nitong Huwebes, kabilang sa mga aktibidad ay ang pagtuturo sa mga OFW at miyembro ng kanilang pamilya ng iba’t ibang uri ng negosyo na maaari nilang pasukin sa pakikipagtulungan ng GoNegosyo Foundation.
"This summit was really conceptualized for our OFWs and their families. So we really ensured that every aspect of the event--from the program to the exhibitors, is focused on them. We want the summit to be really worthwhile, educational and inspirational for all of them," pahayag ni Sen Villar.
"This yearly OFW summit is our way of giving importance to OFWs who continue to prop up the country's economy with their remittances. It is not enough to repatriate them when they get into trouble, which we have been continuously doing. We also need to equip them with know-how and skills so they can use or invest their hard-earned money wisely," dagdag ni Cynthia Villar, asawa ni Sen Villar, na nagsisilbing managing director ng Villar foundation.
Nagbahagi ng kanilang kuwento ang mga OFW na naging matagumpay na negosyante. Gaya ni Prudencio Garcia na dating nakabase sa Saudi Arabia. Mula sa abroad, umuwi siya sa Pilipinas para tutukan ang meat business ng kanilang pamilya.
Nagsalita rin ang iba’t ibang opisyal ng mga malalaking kumpanya at mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Development Bank of the Philippines (DBP). May mga inilaan ding information booth ang Department of Labor & Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Agency (POEA), Department of Trade & Industry, and Commission on Filipino Overseas.
Namahagi rin regalo at pa-premyo ang GoNegosyo at Villar Foundation sa mga dumalo sa summit. Pero ang pinaka-inabangan ay ang ipina-raffle na bahay at lupa. -- GMA News

Comments