OFW Hospital, ihahabol sa Labor Day celebration
By Bombo Dennis Jamito -April 23, 2022 | 12:37 PM76 Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maihahabol ang pagbubukas ng kauna-unahang OFW Hospital sa mismong araw ng mga manggagawa sa Mayo 1, 2022. Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, agresibo ang naging pagtatayo ng pasilidad sa lalawigan ng Pampanga, kung saan tumulong na ang iba pang tanggapan ng pamahalaan para makompleto ang pagamutan. Magsisilbi umano itong regalo para sa mga manggagawa mula sa ibayong dagat. Makikinabang ding dito ang pamilya ng mga OFW na nangangailangan ng serbisyong medikal. Ang OFW Hospital ay kagaya rin ng mga pagamutang nakalaan para sa specific na grupo at pangangailangan, kagaya ng military hospital na VMMC at maternity hospital naman na Fabella. Sa kasalukuyan ay nasa dalawang milyon ang recorded Filipino workers sa ibayong dagat. Pinakamalaki rito o 83.6% ay sa Asia, 6.7% sa Europa at 5.2% nasa sa Estados Unidos. Nakapag-ambag naman ang OFWs ng remittances na pumapalo sa P2...