Karagdagang cash assistance, ipapamahagi ng DOLE sa Mindanao earthquake victims
By Bombo Jerald Ulep - November 6, 2019 | 9:57 AM Dinagdagan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong pinansiyal na kanilang iaabot sa mga residenteng tinamaan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao. Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III mayroong inilaan ang DOLE na P200 milyong pondo para sa initial employment assistance ng kagawaran para sa mga kukuning manggagawa na apektado ng lindol. Dagdag ni Bello, hiniling din niya sa board ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na agad aprubahan ang pagpapalabas ng tulong pinansiyal o cash assistance sa mga pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa mga apektadong lugar. Maalalang noong Linggo, binisita ng kalihim ang mga lugar na niyanig ng lindol at inatasan nito ang mga opisyal ng DOLE regional offices na madaliin ang emergency employment para sa mga nawalan ng trabaho at magkaloob ng livelihood assistance sa mga manggagawa sa informal sector na tinatayang aabot sa kalaha...