MIAA: Repair work sa NAIA runway, 'di pa nagdudulot ng traffic congestion

AMANDA FERNANDEZ, GMA NEWS Pinabulaanan ng Manila International Airport Authority ang balitang nagdudulot umano ng traffic congestion ang pagsasara ng maikling bahagi ng runway ng Ninoy Aquino International Airport para sa repair work na isinasagawa doon. Ayon kay MIAA Control Tower Acting Supervisor Carlos Mundo, wala pang apektado na flight sa pagsasara ng pinakadulong bahagi ng NAIA Runway 06 sapagkat ang Runway 24 ang kadalasang ginagamit ngayon ng mga eroplano para sa landing at takeoff mula pa noong Mayo 25. "From May 25, we have been using Runway 24 dahil na rin sa kasalukuyang direksyon ng hangin," ayon sa kanya. Protocol na ng paliparan na gamitin lamang ang runway kung saan salungat ang hangin sa direksyon na pinupuntahan ng eroplano, paliwanag niya. Simula nitong Sabado, isinara ang dulong bahagi ng NAIA Runway 06 para sa kanilang isinasagawang rehabilitasyon ng lightning system ng runway. Magtatagal ang repairs ng isang buwan. Napaulat na may ilang pasahero umanong nagreklamo sa pagkaantala nitong weekend ng kanilang flights ng dalawang oras, kasama na ang paghihintay sa loob ng eroplano bago ang take-off. Runway 06 Samantala, maaari pa rin umanong gamitin ang Runway 06 maliban na lamang sa mga "heavier aircraft tulad ng Boeing 747 at iba pang international airliners," ayon kay Mundo. Ayon naman kay MIAA operations department chief Alvin Candelaria, napaiksi lamang umano ng 3,110 metro ang runway mula sa aktwal na 3,410-metrong haba nito. Iginiit ni Candelaria na kaunting flights lamang ang maapektuhan, aniya, may mga nakatalagang Pushback Tractors upang tumulong na maitulak ang mga eroplano. Dagdag pa niya, kaunti lamang na flights ang apektado sapagkat karamihan sa mga eroplano ay ginagamit ang Runway 24 para sa kanilang landing at takeoff. Maaari din umanong magsagawa ng “intersection takeoff” ang mga piloto simula sa Echo 5 junction ng paliparan, na katabi ng tarmac sa NAIA-1. — LBG, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star