P230,000 ninakaw ng 'budol-budol gang' sa OFW na galing ng Italy
(Update) VIGAN CITY - Patuloy na iniimbestigahan ng PNP-Vigan ang pagkakabiktima ng isang OFW na galing sa Italy sa grupo ng budol-budol gang sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Nakilala ang biktima na si Violeta Quiton, Amano, 70, na taga Tamag, Vigan City.
Ayon sa biktima, nagkakahalaga sa P230,000 ang kabuuang halaga na nakuha sa kaniya ng budol-budol gang.
Una rito, nagtungo ang biktima sa isang grocery store na malapit sa public market sa Vigan City upang mag-withdraw ng pera at doon umano nilapitan ng dalawang babae na nag-alok sa kaniya ng dolyar na pera kapalit ng kaniyang pera.
Isinakay pa nila ito sa isang puting kotse at nagtungo sa bayan ng Bantay at bumili ng decor stones at saka dumiretso sa bahay ng biktima at doon kinuha ang mga kuwintas, hikaw at cellphone na nagkakahalaga ng P60,000.
Pagkatapos aniya ng biktima ay nagtungo ang mga ito sa isang bangko at naghintay ang mga suspek sa Del Pilar Street, Vigan City, habang ang biktima ay nag-withdraw ng P170, 000.
Kapalit nang nasabing halaga, binigyan ng mga suspek ang biktima ng bag na umano'y naglalaman ng dolyar na pera.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa mga suspek.
Comments