Palasyo 'di takot sa 'zero vote campaign' ng OFWs sa 2016 polls

Hindi umano nababahala ang Malacanang sa binabalak ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na matapos ang 'zero remittance day' ay magsagawa rin sila ng 'zero vote campaign' laban sa mga kandidato ng administrasyon sa 2016 elections.
 
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, karapatan ng mga OFWs na pumili ng gusto nilang kandidato at hindi nila didiktahan.
 
Ayon kay Valte, inaasahan naman nilang ibabase ng mga botante ang boto sa plataporma at plano ng kandidato para sa igaganda ng bansa.
 
Malaya daw ang mga OFWs na salain ang mga kandidato at ibot ang sa tingin nila ay makakatulong sa kanilang pamilya.
 
"Well, again, ano naman po ‘yan… Karapatan po nilang mamili kung sino po ‘yung gusto nilang iboto sa darating na eleksyon. Ang inaasahan lang po natin ay, siyempre, mababase po ito sa plataporma, mababase po ito doon sa ano po ba ‘yung ikagaganda pa ng ating bansa, at ‘yung ikabubuti pa ho ng buhay ng ating mga pamilya. Kalayaan po natin lahat ‘yan, kung paano po natin sasalain ang ating mga kandidato," ani Valte.

Comments

Popular posts from this blog

‘No one left’: Zionist strikes kill entire families in Lebanon --- AFP

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

Africa roads are world’s deadliest despite few cars ---- AFP