Mga Pilipino sa Italya, dumayo sa Vatican para sa Simbang Gabi


Jackie de Vega, ABS-CBN Europe News Bureau
Posted at Dec 16 2019 10:53 PM | Updated as of Dec 17 2019 12:52 AM
Dinaluhan ng mga Pilipino ang Simbang Gabi na pinangunahan ni Pope Francis. Jackie de Vega, ABS-CBN News
(UPDATE) Hindi pinalampas ng libo-libong mga Pilipino sa Italya na dumalo sa kauna-unahang Simbang Gabi na pinangunahan ni Pope Francis.
Makasaysayan ito dahil sa loob ng maraming dekada na ginagawa ng mga Pilipino ang Simbang Gabi, ito ang unang pagkakataon na mismong ang Santo Papa ang nanguna sa selebrasyon.
Puno ang simbahan ng 7,500 libong Pilipino. Kahit ilang minuto na lang ang nalalabi, may ilan pa ring sumusubok na makapasok. Ang mga hinde napalad na makakuha ng ticket, ipinagkasya ang sarili na manuod sa wide screen sa labas ng basilica.
Bago magsimula ang misa, ramdam ang pananabik ng komunidad para sa espesyal na misa. Ilang Pilipino rin ang nagsimba suot ang kanilang Barong Tagalog at Filipiniana.
Sa homily ni Pope Francis, kanyang ipinaliwanag ang tradisyunal na nobena ng mga Filipino na ginagawa bago ang kapaskuhan. At nang banggitin ang salitang Simbang Gabi, isang masigabong palakpakan ang bumungad na sagot ng komunidad.
Isa si Marizel Aguirre sa nasayahan nang marinig ito. 
“We feel very blessed and close to him. Parang kilalang kilala niya tayong mga Pilipino," aniya.
Lumipad mula Vienna, Austria ang grupo ni Aguirre ng Vienna Filipino Catholic Chaplaincy para makadalo sa Simbang Gabi.
Laking pasalamat ni Aguirre na hinde sila naubusan ng ticket upang makapasok sa basilica. 
“Nakita namin na mejo matanda na siya. Lalo kami nasayahan na nakita namin siya na very active na pinagbigyan ang mga Pilipino na mag-Simbang Gabi," dagdag pa niya.
Mula sa Northern Italy, bumaba sa Roma ang Filipino Catholic Community of Brescia para sa natatanging pagkakataon na makasama ang Papa sa misa de gallo. Para kay Roxanne Vergara, napakalaking biyaya na maranasan ito.
“We're so blessed and thankful and grateful na nandito kami. Isa kami sa mga hinirang na punta dito para ma-witness itong napakalaking event dito sa Rome, sa Italy," aniya.
Dumayo rin mula Pistoia ang mag-asawang Elio at Maria Marasigan. 
“Naengganyo kami na magsimbang gabi rito dahil ang Papa ang magmisa," anila.
Para naman kay Noel Parin, isa sa mga konduktor ng Filipino grand choir mula sa Karilagan Singers, ang pangyayaring ito ay nagpapatunay na mayroonng espesyal na puwang ang mga Pinoy sa puso ng Papa. 
“It was a beautiful and moving experience to have different choirs singing together with only one intention which was to serve. It shows how talented we, Filipinos, are. Unforgettable! I really hope the Holy Father liked our singing," aniya.
Lutang sa tuwa si Elvie Adarlo, miyembro ng grand choir mula sa Santo Rosario Filipino Catholic Community, matapos ang misa. 
“Kung tutuusin hinde ko po mailarawan ang galak at saya na para po akong lumilipad sa tuwa kasama ng libo-libong dumating para po magpasalamat at maipakita ang kultura o maipadama sa bawat isa ang magandang kultura na ginagawa rin natin sa Pilipinas," kuwento niya.
Masaya rin si Abet Macatangay Gutierrez, mula sa Fidene Community, na naibahagi nila ang kanilang talento para sa misa.
“Shinare namin ung talent na binigay Niya tsaka ito na rin ung way ng pasasalamat. Hirap man kami rito, ito naman ung binabalik namin sa kanya, ang aming pag-awit," aniya.
Para naman kay Antonia Caisip ng Sant'Egidio community, espesyal ito dahil first time niyang nag-Simbang Gabi. 
“Emozionante per me. Perche è la prima volta!” (It was moving for me! This is my first time!)"
Pride at honor ng mga Pilipino ang misa na ito para kay Nelly Bernardo ng Sant'Egidio Community. “Eh kumbaga, masarap ung feeling na malayo ka sa bayan mo tapos ung kapwa Pilipino mo makakasama mo para sa simba. Siguro ginaguide talaga tayo nung nasa taas na ung faith natin dalhin natin kahit nasaang bansa kasi nabigyan tayo ng pribiliheyo.”
Humigit kumulang 170,000 ang Pilipino na nakatira sa Italya. 
Malalim ang ugat ng integrasyon ng mga Filipino sa Italya at Vaticano. Bagama't nasa labas ng Pilipinas, ang pagiging Katoliko ng karamihan dito ay nagpapakita ng malaking importansya sa kung gaano pinapahalagahan ng mga Pilipino ang tradisyong nakasanayan na. 
Mula sa liham pasasalamat kay Pope Francis ni Fr. Ricky Gente ng Sentro Pilipino Chaplaincy, pinatotohanan ito ng Santo Papa nang tawaging 'contrabandistas de la Fe' o 'smugglers of faith' ang mga Pilipinang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan. 
Nagpapasalamat ang Santo Papa sa pagiging aktibo at saksi sa pananampalatayang Katolika ng mga Pilipino kahit saan mang sulok ng mundo.
Nasa ika-apat na taon nang idinaraos sa St. Peter's Basilica ang Simbang Gabi. Ayon kay Gente, nawa sa susunod na Simbang Gabi ay si Pope Francis uli ang magmisa o si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star