Umano’y mabagal na aksyon ng OWWA sa hinaing ng mga distressed OFWs, inirereklamo


By Bombo Radyo Baguio -November 22, 2019 | 2:30 AM65

BAGUIO CITY – Inirereklamo ng isang distressed na OFW ang umano’y mabagal na aksyon ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA)-Cordillera.

Ayon kay Nelson Arais, isa sa mga distressed OFW na nagtrabaho sa Dubai, napaka-bagal ng OWWA-Cordillera sa pamimigay ng tulong.

Aniya, hindi tinupad ng ahensiya ang pangakong financial assistance para sa mga distressed na OFWs.

Isinalaysay pa niya na maraming beses na itong nagpabalik-balik sa OWWA mula pa noong Hulyo para iproseso ang mga kinakailangang dokumento ngunit hanggang ngayon ay wala itong natatanggap na tulong mula sa ahensiya.

Sinabi niyang nangako ang OWWA na matatanggap niya ang pinansiyal na tulong pagkatapos ng isang buwan ngunit hanggang ngayo ay wala siyang nakuhang benepisyo.

Idinagdag ni Arais na nakatanggap na ng pinansiyal na tulong ang mga kapwa niya distressed OFWs na nagaplika sa ibang rehiyon.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star