Mga Pinoy na dumalo sa Simbang Gabi na pinangunahan ni Pope Francis nagkuwento ng karanasan
VIGAN CITY – Hindi maipaliwanag ng humigit-kumulang na walong libong Pilipino ang kanilang saya sa pagdalo sa Simbang Gabi na pinangunahan mismo ni Pope Francis sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.
Sa report ni Bombo International Correspondent Michael Patron na taga- Bantay, Ilocos Sur at kasalukuyang nagtatrabaho sa Rome, Italy at isa sa mga mapalad na nakadalo sa nasabing misa na ramdam umano nila ang mensahe ng pasasalamat ng Santo Papa sa lahat ng mga katoliko sa Italy na isinasabuhay pa rin ang simbang gabi kahit malayo sila sa kanilang sariling bansa.
Bukod sa misa, mayroon pang mga singers mula sa iba’t ibang Filipino community sa Italy na nagtanghal para sa mga dumalo sa nasabing espesyal na misa. Dahil umano rito, hindi umano naramdaman ng mga Pinoy sa Italy na malayo sila sa kani-kanilang pamilya.
Comments