POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

Mas pinalalawig ng Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad (POPCOM) ang adhikain nitong pagpapalaganap at pagpapabuti ng pakikipag-ugnayan ng mga nakakatandang Pilipino sa kanilang mga anak na nagdadalaga at nagbibinata. Nitong Setyembre 21, ang POPCOM ay nagsagawa ng isang “parent-teen talk webinar” gamit ang Zoom, kung saan ang isang “interactive program” ang nagbigay ng naaayon na kaalaman at kasanayan sa mga magulang, habang tumulong ito sa mga anak na teenager na maabot ang kanilang buong potensyal. Hinikayat din nito ang mga nanay at tatay na sumali sa malayang usapan, lalo na sa mga usapin ukol sa sex at sekswalidad, na nakikitang makakatulong upang bumaba ang mga bilang ng mga pagbubuntis sa hanay ng mga kabataan. Maaaring mapanood ang webinar sa https://youtu.be/lZ9jrJCjYas. Ayon kay Ikalawang Kalihim (Undersecretary) Juan Antonio A. Perez III, MD, MPH, “ang webinar ay naging isang tagapag-simula at ‘padaluyan’ ng pag-uusap sa mga puno ng pamilya at kanilang mga anak. Ang mga magulang ay nagkaroon ng mga mahahalangang pananaw sa pagsisimula ng pakikipag-usap sa mga paksang maaaring magdulot ng kahiyaan sa umpisa, habang ang mga kabataan ay nagkakaroon ng kumpiyansa sa malayang pagkukuwento sa kanilang mga nakatatanda.” “Ang tema ng Pambansang Linggo ng Pamilya ay halos kaugnay sa mithiin ng POPCOM na isang progresibong bansa na nakabase sa isang matatag, maginhawa at planadong pamilyang Pilipino,” sabi ng executive director ng POPCOM. “Sa aming mga ‘online platforms,’ naisasakatuparan natin ang mga paraan upang magkaroon pa rin ng mga makabuluhang koneksyon sa hanay ng mga magulang o tagapag-alaga at kanilang mga binatilyo at dalagita, lalo na ngayon na naglalagi tayo sa loob ng tahanan dahil sa Covid-19.” Mas mabuting komunikasyon. Kaugnay ng “sub-theme” ng selebrasyon na “Pamilya at Teknolohiya: Magkabalikat Mapagtagumpayan ang Hamon ng Pandemya,” ang pinuno ng POPCOM ay naniniwala na ito ay maaaring makatulong na mai-angat ang antas ng komunikasyon sa loob ng pamilya, lalo na sa panahong ito na ang buong bansa ay humaharap sa pandemya. “Binibigyang diin pa din natin, na ngayon ang pinakamainam na pagkakataon para sa mga pamilya na palakasin pa ang kanilang mga ugnayan habang nasa kani-kanilang mga pamamahay. Sa ganitong paraan, inaalis natin ang mga pagkakataong maaaring maglapit sa ating mga kabataan sa maaga at ‘di planadong pagbubuntis,” paliwanag ni Perez. “Dahil mas umiigting sa kasalukuyan ang ‘digital technology’ at ang pagdami ng mga kaalaman at karunungan sa Internet, mayroon tayong malawak at madaliang mapagkukunan na makakapagpatibay ng relasyon ng ating mga angkan.” Dahil tungkulin ng ahensya na tulungan ang bawat isa sa kanila sa bawat paraan, binigyang diin ng hepe ng POPCOM na ang mga huwarang pamilya ay marapat na parangalan di lamang sa loob ng taunang selebrasyon. Ibinahagi niya na ang National Committee on the Filipino Family (NCFF), kung saan kabahagi ang POPCOM simula noong 2020, ay maglilinang ng mga programa na nakatuon sa pagpukaw ng kagalingan sa mga pamilya na nagsisilbing pundasyon ng lipunang Pilipino. Mga pamilyang konektado, matatag. Bilang undersecretary ng populasyon at pagpapaunlad o POPDEV, tinukoy din ni Perez na ang layon ng Pambansang Linggo ng Pamilya 2021 ay kapareho ng “Ambisyon 2040” ng pamahalaan, na nagnanais na mabigyan ang mga Pilipino ng “matatag, maginhawa” na buhay, kung saan ang mga pamilya ay pundasyon ng isang “lipunang may mataas na antas ng pagtitiwala, at may malakas na diwang pang-komunidad.” Isa ang POPCOM sa mga tagapagsulong na ahensya, kasama ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Department of Social Welfare and Development) at ng NCFF, sa pagsasagawa ng ika-29 na Pambansang Linggo ng Pamilya mula Setyembre 20 hanggang 25, kaisa ang Lungsod ng Pasig bilang punong-abala na yunit ng pamahalaang lokal. Ang Proclamation No. 60 na inilathala noong 1992 ang siyang nagtalaga ng huling linggo ng Setyembre bilang “Linggo ng Pamilya.”

Comments

Anonymous said…
Best Real Money Casino Apps in USA 2021 - CasinoWow
Slots Casino — One of the most recognizable online slots games around. This jancasino game's most recent is the Playtech 🏆 Best Real herzamanindir.com/ Money Casino App: herzamanindir SlotWolf🎁 #1 USA Casino 바카라사이트 Bonus: Risk Free Spins for $1,000🏆 wooricasinos.info Best Real Money Casino App: SlotsMillion

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star