Around 10k overseas jobs up for grabs on Independence Day
Mahigit kumulang sampung libong trabaho abroad ang bukas para sa mga manggagawa alinsunod sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.
Libo-libong trabaho abroad ang naghihintay para sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho ngayon, resulta ng pagbubukas ng Department of Migrant Workers (DMW) ng mga trabaho bilang pag-gunita sa Araw ng Kalayan sa, ika-12 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ang job fair ay binubuo ng mga grupong kaisa sa mga licensed recruitment agencis na nag-aalok ng employment opportunities para sa ating mga kababayang nais magtrabaho abroad. Ang mga bansang bukas para dito ay ang, Taiwan, New Zealand, Germany, Japan, Poland, United Kingdom, at iba pa.
Kabilang sa mga trabahong bukas sa mga manggagawa ay ang caregiving, nursing, agriculture live stock, electrician, chef, mason, waiter/waitress, carpenter, engineer, cashier, butcher, welder, painter, translator, receptionist, farmer poultry, barista, baker, dresser, midwife, teacher, beautician, at marami pang iba.
Ang mga aplikante ay inaasahang magdala ng mga dokumento gaya ng, passport, PEOS certificate, at employment certificate na may kaugnayan sa posisyong kanilang nais applyan.
Comments