BSP: Pagtaas ng personal remittances mula sa mga overseas Filipinos

Personal remittances mula sa mga overseas Filipinos (OFs), tumaas ng 3.8 percent year-on-year sa nakalipas na buwan ng Abril. 

Ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) umaabot na sa US$2.671 billion noong April nitong taon ang remittances mula sa dating US$2.574 billion na nai-record sa kaparehong buwan noong taon. 

Ang pagtaas ng mga ipinapadalang mga personal remittances noong April ay mula sa mga land-based workers na umangat sa 4.7 percent o nasa US$2.022 billion mula sa dating US$1.931 billion sa parehong buwan noong 2021. 

 Ang mga sea-and land-based workers naman na may contract na less than one year o higit pa ay tumaas din sa 1.4 percent o katumbas ng US$581 million. 

Sa pagitan ng January hanggang April 2022, nananatiling pinakamarami pa rin sa mga cash remittances ng mga OFW ay mula sa mga bansang United States (US), Saudi Arabia, Japan, Taiwan, at Singapore.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star