BBM kay Ople: Pamilya ng OFWs pangalagaan
MANILA, Philippines — Mahigpit umano ang tagubilin ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay incoming Department of Migrant Workers (DMW) chief, Susan Ople, na tiyaking mapapangalagaan ang pamilya ng mga OFW, gayundin ang mga returning migrant workers sa sandaling manungkulan na sila sa puwesto.
Sa kanyang panig, tiniyak naman ni Ople kay BBM na gagawin niya ang lahat upang maisakatuparan ang tagubilin nito.
Ayon kay Ople, makikipagtulungan sila sa mga local government units (LGUs) at sa barangay level hinggil dito.
“Alagaan ‘yung OFWs at ’yung pamilya. Mag-roll out kami ng programa. Kumonsulta ako sa mga spesyalista kung paano maalagaan din ‘yung mga pamilya. At very concerned siya sa mga anak, ‘yung mga anak na parehong magulang ang wala,” ani Ople, sa panayam sa teleradyo. “So we will work with the LGUs tungkol diyan, even sa barangay level.”
Sinabi rin ni Ople na bukod dito, nais din ni Marcos na tulungan ng DMW ang mga returning OFWs na makahanap ng trabaho o magkaroon ng oportunidad para makapag-negosyo.
Comments