Ilang Pinay, nakiisa sa Eid'L Fitr sa Jakarta, Indonesia Wendy Palomo | TFC News Indonesia
INDONESIA - Nakiisa sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr ang ilang Pinay sa Jakarta, Indonesia. Nagpa-convert na sa Islam ang ilang Pilipina nang makapangasawa ng Indonesians kabilang na sina Zeny Zacadipura at Aloha Delima Antivo-Setyadi.
“We got married here so I officially converted here in Jakarta to Muslim. So then I started na to, you know, do my responsibility as a Muslim like doing the fasting during Ramadan. We fast like 13 hours a day in like 30 days,” kwento ni Sacadipura.
“We got married here in Indonesia. And then after that, I converted to become a Muslim because it is not allowed to have a different religion. So, I’m the one who adjusted. Nagstudy ako ng religion nila. Basically, nagustuhan ko din so yun nagconvert ako,” sabi ni Delima Antivo-Setyadi.
Aminado silang noong una'y nahirapan sila sa pag-aayuno.
“Ang challenges ng fasting is mahirap po. Hindi ka pwedeng kumain, hindi ka pwedeng uminom, hindi ka din pwedeng magalit. Hindi ka pwedeng makipag-gossip sa mga kapitbahay,” ani ng Pinay na si Mary Jane Tolentino-Umasangaji.
“So yung first year ko tumatakas ako. I would go to the kitchen na hindi makikita ng mga bata...Paunti-unti, minsan half day lang and then eventually nakayanan,” kwento naman ng Pinay na si Evelyn Ocampo Juha.
Bukod sa pag-aayuno, nagdarasal, nagsasagawa ng communal gathering at spiritual development ang mga Muslim.
Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiwang din nila ang Idul Fitri na hudyat ng pagtatapos ng pag-aayuno. At pagkatapos ng pagdarasal, panahon din ito para bisitahin ang kanilang mga kaanak, kaibigan at mga kakilala.
Bagamat nasa Indonesia na, hindi pa rin nawawala ang ugaling Pinoy na magsaya sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Comments