Likhang sining ng Pinoy high school students itinampok sa 24th International High School Arts Festival sa Japan Annalyn --- 'Apol' Mabini | TFC News Japan

OKYO, JAPAN - Itinampok sa 24th International High School Arts Festival ang mga painting ng apat na high school students mula Pilipinas. Idinisplay ang kanilang artworks sa National Art Center sa Tokyo, Japan mula August 9-20. Ayon pa sa Embahada ng Pilipinas sa Japan, kabilang sa mga batang artist mula sa 14 iba-ibang bansa sa mundo ang apat na kabataang Pinoy na sina Chelsea Josephine Roldan Diamos, Michelle Ann Kinomes, Eicyd Timothy Rico, at Kysha Casandra Danao na ang mga likhang sining ay napiling i-exhibit sa nasabing prestihiyosong art festival. Samantala, iginawad ni Philippine Embassy in Japan Charge d’ Affaires o CDA Mr. Robespierre L. Bolivar ang “Merit of Recognition” certificate at medal kay Chelsa Josephine Roldan Diamos noong August 2 sa Ritz Carlton Hotel sa Tokyo para sa kanyang artwork na: “A Thousand Colors and Between.” Personal na tinanggap ni Diamos ang parangal para sa kanya kasama ang kanyang Faculty Adviser Mr. Leo Gerardo C. Leonardo. Ang nasabing prestihiyosong art festival ay idinadaos taun-taon ng International Foundation for Arts and Culture o IFAC sa Japan bilang pagsusulong ng cultural exchange sa mga kabataan sa larangan ng singing.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star