Macau, Japan at Canada kailangan ng manggagawa

Maraming trabaho ang naghihintay sa Macau, Canada at Japan para sa mga Filipinong may kasanayan at malawak na karanasan.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ang Japan ng mga manggagawa na may kaalaman sa Information Technology at mga inhinyero.

Sa Macau, isang special administrative region (SAR) ng bansang China, may pangangailangan para sa mga hotel at casino.

Samantalang sa mga nagnanais na manirahan sa ibang bansa, nagbibigay ng permanent residency ang Canada para sa professional at skilled workers.

Ayon kay POEA administration Rosalinda Baldoz, hindi kailangang magbayad ng placement fee ang mga nais magkaroon ng trabaho sa mga bansang nabanggit.

“In Canada all the costs will be borne by the employer. No placement fee, which is authorized up to an equivalent of one month salary," ayon kay Baldoz.

Pero nagbabala ang POEA sa mga interesadong Filipino na mag-ingat sa illegal recruiters na nangangako ng trabaho kapalit ng malaking halaga subalit hindi naman kinikilala ng pamahalaan kaya't lumalabas na iligal ang mga nakumbinsing magbayad, at ang iba ay walang trabahong naghihintay sa ibang bansa.

Upang makatiyak, pinayuhan ni Baldoz ang publiko na makipag-ugnayan sa kanyang ahensya upang makasigurong legal ang papasukang trabaho.

Una rito, iniulat ng 24 Oras nitong Miyerkules na kailangan ng engineers, welders, fabricators, butchers, agricultural workers, at iba pang skilled workers sa Australia.

Sa listahan ng embahada ng Australia, lumitaw na 3,500 sa mahigit na 6,000 Filipino na nag-migrate sa Australia ay skilled workers. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star