Cesar Devera: Isang masayang traditional fine arts convert

 
“Para ang isang pinta o obra ay maging unique, kailangan itong humihinga, may buhay, at akala mo gumagalaw, ‘ika nga,” salaysay ni Cesar Devera, isang batikang pintor sa California at very active sa mga art competition sa komunidad.
Pero hindi naging madali ang kanyang transition sa muling pagpipinta. Tulad nang mga ibang nag-migrate sa US, hindi naging maluwalhati ang kanyang sinapit dito. “Naruruon iyong kung anu-anong odd jobs ang aking pinasukan para lang mabuhay. Iyong tinapos ko sa fine arts sa Universidad ng Santo Tomas at ang aking pagiging art director, designer, ay hindi ko man lang nagamit,” kuwento ng pang-anim na anak sa walong magkakapatid.
Cesar Devera received the "Artist of the Year" award in the advanced division for 2015-16 from the Anaheim Art Association.
“Alam mo, nuong 1983, ng pumunta ako rito, gusto ko nang sumurender dahil iyong mga experience ko sa advertising ‘di ko man lang magamit. Minsan nga, nagda-drive pa ako ng truck para maglako ng ice cream,” salaysay ni Cesar. “Kung hindi lang nga sa nanay kong humihiling na huwag umalis ako para maalagaan ang aking tatay na may matinding problema na nuon sa puso malamang nakauwi na ‘ko dahil pina-hold ko na iyong trabaho ko duon sa Maynila,” naungkat ng pintor na isang saradong Katoliko at mapagmahal sa magulang.
“Pero hindi rin ako makareklamo gawa nga nang wala akong local experience at portfolio. Naisip ko tuloy na mag-aral muli. Makaraan ang ilang taon natapos din ako at nanguna pa sa klase. Sa taas ng aking grado nabigyan tuloy ako ng aking guro ng rekomendasyon para sa isang newspaper company at tuluyang nagkaruon ng trabahong mas type ko,” dugtong niya.
Ganuon pa man naglagak siya ng panahon para mabigyan ng saysay ang kanyang passion – pagpinta ng modern art. Nanduon na rin iyong napunta siya sa movie animation at nakatrabaho sa Warner Brothers. Gawa nito nahasa siya sa traditional drawing at composition ng human figures – gayon na rin ay nanamnam niya ang essence ng realistic drawing.
Sa kabila nito itinanong niya sa sarili kung ano nga ba ang kanyang kailangang piliin sa pagpinta: modern o realistic. Mahirap nga lang ang huli dahil very challenging nga naman ang traditional. Alam niya na kailangang magpursigi para magampanan ang mga challenges sa larangan ng sining na kanyang tatahakin.
"California Golden Horizon" by Cesar Devera
 
“Ang successful na obra ay kailangang ‘nagsasalita’ ng kanyang angking kagandahan,” aniya. “Hindi na kailangang bigyan o isalaysay pa ito; ang sarili’t angkop niyang kagandahan ang nangungusap at nagsasaad sa puso ng tumitingin,” patuloy ng bagong convert.
Hindi nga naman ganuon kadali ang pagpipinta. Tulad din ng isa naming kasamang pintor, si Rafael Maniago, sa edad na 71, ay halos araw-araw ay walang puknat sa kanyang pagpipinta. Kailangan talaga ng continuous practice para mahasa’t gumaling. Kaya kung may libreng panahon siya, sumasama siya sa grupo ng mga batikan tulad nina Rafael Maniago, Bienvenido Sibug at Magoo Valencia. Nanduon iyong lumalabas sila para sa kanilang plein-air o outdoor painting sessions.
Nabanggit din niya na dito sa Amerika niya natutunan na mas partikular ang mga Kano sa pagpili ng canvas; mas gusto nila, lalo na ng mga kolektor, ang linen kaysa cotton. “Ang aking medium ay oil dahil nga mas angat at matingkad ang kulay nito. Isa pa’y mga daang taon din ang itinatagal nito,” banggit niya.
“Sa umpisa hindi ko gusto ang amoy ng oil paint pero sa katagalan nasanay na rin ako dahil mas magandang medium ito para sa aking mga ipinipinta,” paliwanag ni Cesar.
Para mas ganahan sa pagpipinta, “Inuumpisahan ko ang araw na maging magiliw para maiangat ang aking mood o kundisyon sa pamamagitan ng pakikinig sa musikang aking kinagigiliwan.”
"The Rock Whom I Trust" by Cesar Devera
 
Marami na ring sinamahang exhibition at competition ang pintor. Multi-awarded painter na rin, tulad nina Raffy Maniago o Bienvenido Sibug. Kailan lang ay hinirang siyang “Artist of the Year 2016” ng Anaheim Art Association pagkatapos ng isang painting competition sa Anaheim City, California.
Kahit na marami na rin siyang nakamit na tagumpay sa larangan ng mga painting competition, kakikitaan pa rin si Cesar ng pagpapakumbaba at pasasalamat ng malaki sa mga biyayang pinagkaloob sa kanya ng Maykapal.
Sa kanyang pagmumuni-muni, ngayon lang niya naintindihan na ang nangyayari pala sa ating buhay ay may “rhyme or reason;” at ganuon na rin kung bakit sa halip na ipagpatuloy niya ang dati niyang pagiging designer at hilig sa modernong art ay naging convert bilang isang traditional fine artist. Ang maganda’y siya ngayon ay masaya. — BM, GMA News
Vics Magsaysay, Ph.D., is a Los Angeles-based writer, fine art nature photographer, painter, graphic designer and “makata” (Pilipino poet). He has a doctorate in clinical hypnotherapy.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star