Pinay na nakatira malapit sa gumuhong tulay sa Italy, ligtas


Maricel Burgonio, ABS-CBN News
Posted at Aug 16 2018 04:12 AM | Updated as of Aug 16 2018 04:13 AM
ITALY - Ligtas ang isang Pinay na nakatira malapit sa gumuhong tulay sa Genoa, Italy, ayon sa Philippine Consulate sa Milan. 
Pinalikas ng awtoridad si Andrea Mangao, kasama ang kaniyang asawang Italian na si Davide Verri, sa kanilang tahanan na ilang metro ang layo sa tulay ng Morandi dahil sa pangambang baka gumuho pa ang ilang bahagi ng tulay.
 
Ayon pa sa konsulado, walang Pinoy rin ang nasa talaan ng 2 ospital - Ospedale Villa Scassi at Ospedale San Martino - na pinagdalhan ng mga nasawi at nasugatan. 
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng konsulado sa mga awtoridad ng Genoa para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy. 
Kasama sa pag-ikot ng team ng konsulado sa mga ospital si Nonieta Andena, presidente ng Filipino community sa Genova. 
Ayon kay Mangao, may 6 hanggang 7 metro naman ang layo ng bahay nito sa gumuhong tulay. 
Wala rin silang mag-asawa sa bahay nang mangyari ang insidente. Nakikitira ngayon si Mangao sa kaniyang kapatid.
"Mahaba talaga ang tulay... 6 to 7 meters away from rooftop," aniya.
Sabi ni Andena, nangangalap pa sila ng impormasyon mula sa Pinoy na nakatira sa Genoa, lalo na sa kalagayan ng 5 pamilyang Filipino na nakatira malapit sa tulay. 
Sa ngayon, wala pang nakukuhang impormasyon na nasaktan mula sa mga pamilya.
Tinatayang may 1,200 Filipino ang nakatira sa probinsiya ng Genoa. 
May 37 katao na ang naiulat na nasawi nang gumuho ang tulay dahil sa malakas na pag-ulan nitong Martes. 

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star