Healthcare workers na may CoViD-19, sagot ng PhilHealth

Muling iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may karapatan sa full hospitalization coverage ang mga medical frontliners at allied workers sakaling sila ay mahawahan ng CoViD-19 sa buong panahon ng pandemya. Ipinaalala nito sa lahat ng ospital sa buong bansa na walang dapat na bayaran ang mga pasyenteng kabilang sa frontliners sakaling naospital dahil sa Covid-19. Ito ay bilang pagsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahalagahan ang sakripisyo ng mga healthcare workers at frontliners na araw-araw ay sinusuong ang panganib para sa kapakanan ng mga pasyente ng nakamamatay na sakit. Sa inilabas na PhilHealth Circular No. 2020-0011 noong Abril 14, 2020 ay ginarantiyahan ang full financial risk para sa mga Filipino health workers pati na sa mga pasyente laban sa coronavirus disease. Tinukoy sa nasabing circular na ang mga health workers ay yaong “persons engaged in health and health-related work, anoman ang kanilang employment status. Kabilang dito ang mga duktor, nars, allied health professionals, administrative at support personnel sa mga health facilities, utility at security personnel working in health facilities, health volunteers deployed in health facilities, at maging ang mga staff at personnel na nagtatrabaho sa government health agencies. Bukod sa full hospitalization coverage, ang mga health workers ay entitled din sa PhilHealth benefits para sa SARS-CoV-2 testing package mula P901 hanggang P3,409 batay sa itinakda ng Circular No. 2020-0017. Ayon pa sa PhilHealth, maaaring maparusahan ang mga ospital na mapapatunayang tumangging tanggapin o kaya ay maningil ng co-payment sa sinomang health worker na may CoViD-19. Hinikayat din ng Ahensiya ang publiko na agad i-report ang anomang impormasyon na may kinalaman sa pang-aabuso o kapabayaan ng mga health care providers. (END) Reference: Dr. Shirley B. Domingo, Vice President for Corporate Affairs and Official Spokesperson Mobile No: 09171360964

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star