Aid para sa OFWs, patuloy na popondohan ng DFA hanggang Marso ngayong taon --- By Bombo Everly Rico
Patuloy na popondohan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang aid na ibinibigay para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) hanggang sa buwan ng Marso ngayong taon kasabay ng transitions ng bagong tatag na Department of Migrant Workers.
Ayon kay DFA Undersecretary for Office of the Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, ang Aksyon Fund o ang pondo para sa pag-assist sa OFWs ay nasa hurisdiksyon ng DFA gayundin ang Assistance to Nationals budget para sa pagtulong sa non-OFW Filipinos abroad gaya ng permanent resident ng foreign host country, mga estudyante, Filipino nationals na mamamayan ng isang host country subalit isang Filipino citizen, mga Pilipinong nag-aantay ng kanilang naturalization, Filipino na kabilang sa government exchange visiting program at ang mga nasa abroad na hindi nagtatrabaho kabilang ang kanilang mga asawang foreign citizens.
Nakikipag Ugnayan na rin ang DFA para sa isang joint agreement para sa pamamahagi ng nasabing aid.
Ayon pa kay De Vega na inaasahang maipapasa na sa loob ng anim na buwan ang mga duties ng DFA sa Department of Migrant Workers.
Comments