Department of Health at Department of Migrant Workers, pinag-uusapan ang posibleng exchange programs sa mga bansang nangangailangan ng healthcare workers

Tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap ng Department of Health (DOH) at Department of Migrant Workers (DMW) para sa posibleng exchange programs sa mga bansang nangangailangan ng healthcare workers. Napag-usapan din umano ito sa pakikipagpulong nila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang healthcare cluster ng Private Sector Advisory Council (PSAC). Dito raw iginiit ng Chief Executive na kailangang mabigyan ng scholarships para sa mga nurse at iba pang medical personnel. Sinabi ni Department of Health officer in charge at Undersecretary Maria Rosario-Vergeire na dahil sa pagnanais ni Pangulong Marcos ay kailangan nilang mag-propose kung ilan ang kanilang kailangan healthcare workers para sa programa. Sinabi ni Vergeire na ang mga nagtapos ay kailangan munang manatili sa bansa sa loob ng dalawang taon bago sila pumunta sa ibayong dagat. Sinabi ng DMW na bahagi raw ng plano nila ang pag-secure ng mga deal sa mga bilateral partners ng bansa o ang mga bansang makakapagbigay ng pondo para sa scholarship sa Pilipinas. Matapos ang graduation, sinabi ni Vergeire na ang mga scholars ay required na magsilbi muna sa kanilang mga komunidad ng ilang buwan o taon bago sila makapagtrabaho sa ibayong dagat. Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi nila mapipigilan ang mga nurse na umalis sa bansa dahil sa mas mataas na sahod sa ibayong dagat. Samantala, sinabi ni Vergeire na sinimulan na ng DoH ang pakikipag-usap sa mga dean ng University of the Philippines at iba pang allied healthcare services para sa “ladderized” scholarship program ng gobyerno.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star