Halos 8K distressed OFW’s, napauwi pabalik ng bansa ng gobyerno

Napauwi ng gobyerno ang mahigit 7,000 overseas Filipino workers (OFWs) ngayong taon bilang bahagi ng pagsisikap nitong tulungan ang mga distressed na Pilipino sa ibang bansa. Base sa ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng Malacañang na may kabuuang 7,880 overseas Filipinos ang na-repatriate mula Enero hanggang Nobyembre, karamihan o 57.67 percent sa kanila ay mula sa Middle East. May kabuuang 42 overseas Filipinos at distressed migrant workers ang mula sa Kuwait habang 70 naman ang mula sa Sri Lanka, na nakaranas ng economic crisis ngayong taon. Malaki ang papel ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kanilang mga remittance. Ang pera na pinauwi ng mga overseas Filipino ay nag-aambag sa paggasta ng mga mamimili, na binubuo ng humigit-kumulang 70 porsyento ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga remittances na ipinadala ng mga OFW sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot sa $2.911 bilyon noong Oktubre, mas mataas kaysa sa $2.812 bilyon na nai-post sa parehong buwan noong nakaraang taon at noong Setyembre na $2.840 bilyon. Magugunitang, sa unang bahagi ng taong ito, inilunsad ng DMW ang One Repatriation Command Center sa Mandaluyong City na magsisilbing one-stop shop para sa mga distressed Filipino na gustong umuwi.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star