Mga nais mag-Kuwait, di pa rin makaalis kahit wala nang 'ban'


ABS-CBN News
Posted at Jul 03 2018 06:58 PM | Updated as of Jul 03 2018 07:50 PM
Watch more in iWantv or TFC.tv
Higit isang buwan matapos magkapirmahan ng kasunduan para sa proteksiyon ng overseas Filipino workers (OFWs) ay wala pa rin umanong bagong napapaalis na household service worker (HSW) patungong Kuwait.
Matatandaang Mayo 12 pa nang mapirmahan ang "Agreement on the Employment of Domestic Workers between the Philippines and Kuwait" habang Mayo 16 naman nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total lifting ng deployment ban.
Pero ayon sa mga recruitment agency, hanggang ngayon ay hindi pa rin makaalis ang mga newly-hired HSW papuntang Kuwait.
Paliwanag naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), pagkatapos kasi ng pirmahan ay kinailangan pa nilang maglabas ng resolusyon.
Sinundan ito ng implementing rules and guidelines na nangangailangan naman ng 15-day publication period.
"Sinisigurado lang po natin na lahat ng napapaloob sa memorandum of understanding ay masusunod," giit ni POEA Administrator Bernard Olalia.
Ang magandang balita umano ay sa Hulyo 6 o sa Biyernes na magtatapos ang publication period ng bagong guidelines para sa deployment ng newly-hired HSW.
Ibig sabihin, bukas na ulit ang HSW deployment sa Kuwait.
"Aantayin natin ang job orders mula sa Philippine Overseas Labor & Office (POLO) natin and once ma-accredit then we can start processing applications again," paliwanag ni Olalia.
Umaasa naman ang Pilipinas na dahil sa kasunduan ay matitigil na ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pinoy sa Kuwait.
Sa bagong mga employment contract kasi ay nakapaloob na ang mga napagkasunduang karapatan ng OFWs gaya ng hindi pagkumpiska sa kanilang travel documents, karapatan sa komunikasyon, standard working hours, rest period, at iba pa. --Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star