OFW ID, ginawang gatasang baka ng DOLE- Kongresista
Manila, Philippines – Nag-akusa si ACTS-OFW party-list Representative Aniceto Bertiz III na ginawang gatasang baka ng ilang opisyal ang pagpapagawa ng Overseas Filipino Workers (OFW) ID na ipinamahagi kamakailan.
Ayon kay Bertiz, ginamit umano ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga OFW ID card para pagkakitaan taliwas sa tunay na hangarin nito.
Sa panayam kay Bertiz, sinabi ng kongresista na sinisingil ng DOLE ng halagang 720 pesos kada-OFW ID samantalang walang gastos dito ang departamento dahil ang kanila umanong grupo ang gumastos para doon sa pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malasakit sa mga OFW.
“This ID should be free,” sabi ni Rep. Bertiz III sa panayam. (dave baluyot)
Comments