Mga Pinoy sa Italya, pwedeng mag-apply ng social benefits

Jocelyn Ruiz Roxas, ABS-CBN News
Posted at Jul 14 2019 08:46 AM
ROME – Maaring makahingi ng tulong ang mga migranteng Pilipino sa gobyerno ng Italya sa pamamagitan ng pag-file ng kanilang socioeconomic status.
Isa ang overseas Filipino worker na si Connie Cortes sa mga Pilipinong nakakuha ng benepisyo sa mga nagdaang taon nang mag-file siya ng ISEE o Indicatore Situazione Economica Equivalente.
Ang ISEE ay pagdedeklara ng socio-economic status o mga ari-arian ng mga regular na naninirahan sa italya.
Nabigyan si Cortes ng diskwento sa matrikula at mga librong ginagamit sa eskuwela ng dalawa niyang anak sa Roma.
Pati sa pamasahe sa pampublikong sasakyan nakakatipid sila.
“Kaya nasubukan naming mag-file ay napakagaan sa amin kasi natutulungan kami sa amin mga discount sa mga tuition fee, iyong mga libro, sa mga allowance, transport sa mga bus,” sabi niya.
Ayon kay Shiela Tumamao na Migrant Consultant ng Agency of Administrative Services, may trabaho man o wala pwedeng mag-file ng ISEE sa Italy.
“Ang ISEE ay indicator ng socio economic status natin hindi siya ibig sabihin na declaration ng redditi o annual income natin. Ito ay deklarayon kung ano ang properties natin for example kung may annual income tayo, contratto di affito o rental natin ide-declare natin na binbayad o kung may bank account,” saad ni Tumamao.
Pagbabasehan ang ISEE ng mga gastusin ng isang naninirahan sa Italya may pamilya man o wala. Kapag nasuri na kapos sa budget o di kaya ay sapat lang ang kita para sa pamilya bibigyan ng mga benepisyo at diskwento sa ilang mga serbisyo ng gobyerno tulad ng matrikula ng mga anak na nagaaral sa Italya at ang mga buntis na nag-file ng maternity benefits.
Hinihikayat ng mga eksperto ang mga Pinoy na alamin ang mga impormasyon para makinabang sa mga benepisyo na pwedeng makuha mula sa serbisyo ng gobyerno.
“Iyong may mga bahay na sa inyo nakapangalan ang electric bills, gas at pagbabayad sa basura ay pwede kayong mag-apply ng exemption but then with a certain range. Another benefits, sa school kung may pinag-aaral tayo pwde tayo mag-apply ng exemption ng food allowance, pagkain sa school mesa scolastica,” dagdag ni Tumamao. 
Ang ISEE ay isinusumite sa musipyo, sa INPS o social welfare ng Italya depende sa benepisyo na kukuhanin. 

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star