OFWs at kanilang mga kaanak, maaari nang magnegosyo sa abot-kamay na kapital
- Maaari nang makapagnegosyo ang overseas Filipino workers at ang kanilang mga kapamilya nang hindi nangangailangan ng malaking kapital
- Sa Kabuhayan ni Kabayan program, puwedeng bumili ng livelihood tools na may kasama pang training sa mag-o-operate
- Kabilang sa mga mabibili ay popcorn maker, ice cream machine, fryer, shawarma machine, atbp
Gusto mo na bang makapiling ang iyong mga mahal sa buhay? Pagod ka na bang ma-homesick habang nasa abroad? O nais mo bang bigyan ng negosyo ang iyong mga kaanak para mas mabilis na makaipon? Mula sa pagiging “bagong bayani”, maaari ka nang maging “bagong negosyante”; ikaw at maging ang iyong mga kapamilya.
Sa bagong programa ng Duty Free Philippines, maaari nang makapagnegosyo ang overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang mga kaanak nang hindi nangangailangan ng malaking kapital. Ibinahagi ng mga opisyal, sa ginanap na tour sa Fiestamall branch kamakailan, na isa sa kanilang mga layunin ay ang tulungan ang mga OFW at ang kanilang mga kaanak dito sa Pilipinas na magkaroon ng kabuhayan o karagdagang source of income.
Dahil dito, sinimulan ang Kabuhayan ni Kabayan livelihood program; isang complete package kung saan puwedeNG mag-avail ng livelihood tools ang isang OFW o ang kanyang kapamilya, gayundin ng training para sa mag-o-operate nito. Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) mismo ang magte-train sa mga bagong negosyante.
Kabilang sa tools na mabibili sa murang halaga at may kasama nang training para sa buyer ay ang fryer sa presyong $127, popcorn maker sa halagang $183, hotdog roller na $193 lamang, shawarma machine for $478, rice mill na nagkakahalagang $828, at ice cream machine for $1,375. MaAari ring makapagsimula ng laundry business sa pamamagitan ng package na may kasamang laundry consultation, ocular inspection, project layout, at personnel training.
Comments