Zamboanga City port, muling binuksan; seguridad mahigpit
Some MNLF gunmen remain defiant even in captivity. Even at the last minute, a captured MNLF gunman shows defiance as government forces bring them to a police station in Zamboanga City to be processed on Thursday, September 26. About 17 more suspected MNLF members were taken into custody in Barangay Sta. Barbara. This brings to more than 200 the number of Misuari followers arrested as of 7 p.m. Thursday, according to the Zamboanga City police. As of Wednesday evening, the military said at least 125 MNLF members, 15 soldiers, five police officers and 13 civilians were killed in the conflict. Chino Gaston
Ngunit sinabi ng Philippine Coast Guard na mahigpit ang seguridad sa daungan, ayon sa ulat ng Philippine News Agency gabi noong Huwebes.
Sa panayam ng PNA kay Coast Guard Zamboanga station commander Lt. J.G. Joemark Angue, sinabing apat na biyahe lamang ang papayagan mula Zamboanga patungong Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (o BaSulTa).
Ang mga biyahe ay ang mga sumusunod:
- Zamboanga City-Basilan via Isabela City at pabalik, 2 trips araw-araw
- Zamboanga City-Jolo, Sulu at pabalik, isang trip araw-araw
- Zamboanga City-Bongao, Tawi-Tawi at pabalik, isang biyahe araw-araw
Isinara ang Zamboanga Port noong Setyembre 9, nang pumasok ang mga tagasunod ni Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari sa syudad at nakipagbakbakan sa mga tropa ng gobyerno.
Ngunit, nabawi na ng militar at mga pulis ang karamihan sa mga barangay ng syudad na sinakop ng mga rebelde.
Inspeksyon para sa seguridad
Samantala, ayon din sa ulat ng PNA, magpatutupad ang Coast Guard ng "three-layer inspection" para sa mga "inbound" na mga barko.
Ang inspeksyon na gagawin ay: pre-boarding inspection (sa pinanggagalingang lugar); on-sea inspection sa may mga isla ng Sta. Cruz; at ang arrival inspection.
“No vessel can sail directly to Zamboanga City without being inspected doon sa Sta. Cruz Islands,” ayon kay Angue.
Sinabi rin ni Angue na ang lahat ng pampasaherong sasakyang-dagat ay kailangang kumuha ng clearance mula sa Naval Forces ng Western Mindanao Command bago pa man ang mga ito papayagang bumiyahe papunta at palabas ng Zamboanga City.
Magdala ng ID cards
Pinayuhan din ni Angue ang mga pasahero na magdala ng ID cards, dahil ipatutupad na ang "no ID, no ticket, no entry" rule.
Samantala, walang behikulo (pribado man, pampubliko, kahit yaong sa mga VIP) ang papayagang makapapasok sa prier.
Samantala, noong Huwebes, 17 pinaghinalaang MNLF fighters ang dinakip ng mga awtoridad sa Barangay Sta. Barbara.
Umabot na umano sa 200 ang bilang ng mga tauhan ni Misuari ang nadakip o sumurender batay sa tala noong Huwebes ng gabi.
Hanggang noong Miyerkules, umabot na sa 125 na mga miyembro ng MNLF, 15 sundalo, limang police officers at 13 civilians ang napatay sa bakbakan mula pa noong Setyembre 9.
Nagsimula ang krisis sa Zamboanga City sa araw na iyon nang pasukin ng mga rebelde ang syudad at nakipagbakbakan laban sa mga tropa ng gobyerno, at ginamit na "human shields" ang ilang mga residente na kanilang dinukot.
Pumasok ang mga rebeldeng MILF sa Zamboanga City sa pagtatangkang itayo doon ang United Federated States of Bangsamoro Republik. — LBG, GMA News
Comments