OFWs sa Jeddah, dumagsa sa konsulado para magparehistro

Dumagsa noong Biyernes sa Philippine Consulate General  sa Jeddah ang maraming OFWs upang samantalahin ang huling linggo sa pagpaparehistro para sa overseas absentee voting (OAV), upang makasali sila sa national election sa 2016.

Umabot hanggang sa labas ng hallway ng konsulado ang pila ng mga magpaparehistro.

Sinabi ng konsulado sa GMA News na dahil sa dami ng mga dumagsang OFWs, agad umanong nagpasya ang Philippine foreign office na i-extend hanggang sa hapon ang registration period.


OAV refistration in Jeddah. --Ronaldo Concha

Ayon kay Vice Consul RJ Sumague, mahigit tatlong daan na ang mga dumating para magparehistro sa huling linggo ng OAV registration.

Inaasahan din umano ng konsulado na marami pa ang darating sa mga huling araw ng pagpapalista hanggang sa October 31.

Sinabi ni Sumague na apat na voter registration machines ang nakatalaga sa konsulado para magamit sa OAV registration, pero tatlo lang umano ang kanilang ginagamit sa loob ng konsulado dahil sa ang isa ay ginagamit sa kanilang consular mobile outreach sa Tabuk, isa sa mga probinsya ng Western Region ng Saudi Arabia na sakop ng Philippine Consulate.

'Iba-ibang dahilan'

Samantala, ilan naman sa ating mga kababayan na nagpunta ng konsulado ang may iba't ibang dahilan kaya nagparehistro.

Sinabi ng OFW na si Julito Magabo, dalawang presidential elections na umano siyang hindi bumoboto dahil sa kawalan ng tiwala sa mga kandidato.

Pero nang malaman umano niyang tatakbo daw si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, bagamat hindi pa umano sigurado, ay nabuhayan daw siya ng loob. Hindi raw siya boboto kung hindi talaga tatakbo si Duterte.

Panawagan ni Magabo sa iba pang mga presidentiable: “Sana po pabayaan na lang po natin ... alam naman po natin kung ano ang magagawa nito."

Gusto naman nang isa pang OFW na nagpakilalang si Roland na nais daw na ma-recognize siya ng konsulado na nasa Saudi Arabia siya kaya raw siya magpaparehistro. Hindi naman daw siya makaboboto dahil magbabakasyon daw siya sa araw ng eleksyon.

Karamihan sa mga OFW na nakapanayam ng GMA News ay nagpahayag ng pagsuporta at umaasa na tumakbo sa pagkapangulo si Duterte.

Samantala, sinabi rin ni Sumague na ang OAV registration sa konsulado ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng buwan at magkakaroon sila ng dalawang buong araw ng registration na papatak sa araw ng walang pasok para ma-accomodate pa ang mga hahabol na magparehistro bago magtapos ang overseas voting registration sa October 31. — LBG, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star