Dating DPWH official dumepensa laban sa mga alegasyon ng katiwalian


Isay Reyes, ABS-CBN News
Posted at Jun 15 2018 10:19 AM
MANILA - Nilalabanan ni dating Department of Public Works and Highways Asec. Tingagun Umpa ang mga alegasyon na kurakot siya kaya napaalis sa posisyon.
Isa si Umpa sa mga mahaharap sa termination o pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng korupsiyon.
Aniya, walang katotohanan ang lahat ng mga akusasyon sa kaniya, lalo't 3 buwan pa lang ito sa puwesto. Naniniwala siyang may mga nagbulong sa Presidente para tanggalin siya dahil sa nadiskubre niyang korupsiyon sa DPWH.
Depensa pa nito, mga proyekto ng taong 2016 at 2017 ang kaniyang binisita sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na overpriced.
May isang proyektong nagkakahalaga ng P150 million para sa construction ng kalsadang nasa 3.4 kilometro lang ang haba sa Lanao del Sur, taliwas sa standard budget na P20 million to P25 million kada 1 kilometro.
Muli niyang hinahamon ang DPWH na imbestigahan ito.
Sa isang confidential report na nakuha ng ABS-CBN News noong nakaraang buwan, nanghingi umano ng "1 to 2 percent project share" si Umpa sa mga proyekto sa ARMM sa pagbisita nito noong Mayo 2 hanggang Mayo 4.
Base sa report na pinirmahan ni DPWH Region-10 director Zenaida Tan, nag-request umano si Umpa na sagutin ni Tan ang plane ticket at hotel accommodation nito at 3 iba pang kasamahan sa pagbisita sa Cagayan de Oro na umabot sa halos P120,000.
Lumapit naman kay Tan si Lanao del Sur Rep. Mauyag Papandayan Jr. kasama ang ilang concerned contractors at ipinakita ang mga text message na ipinadala ng isang trusted aide umano ni Umpa na nanghihingi ng standard operating procedure sa mga contractor habang nagsasagawa na ito ng inspection.
Mayo 15 nang ianunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang utos ni Duterte na pagbitawin si Umpa at isa pang assistant secretary.

Comments

Popular posts from this blog

‘No one left’: Zionist strikes kill entire families in Lebanon --- AFP

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

Vietnam condemns China's 'brutal behavior' in fisher attack ---- Agence France-Presse