Vision boarding workshops, nauuso sa mga OFW sa Dubai
DUBAI - Nauuso ngayon dito sa siyudad ang seminars at workshops na nagtuturong matupad ang mga pangarap sa buhay ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa grupong nagpapalaganap ng vision boarding at coaching program, malaki ang maitutulong nito para mas madaling makamit ng mga Pinoy ang pagbabago sa buhay habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Isa si Cathy Salazar sa mga nagpatotoo kung paano siya natulungan sa pagtayo ng maliit na pagkakakitaan sa UAE tulad ng isang kainan.
“After the program, naging worriless ako and nakatulong siya on how am I going to reach my vision and to know my potential as well. During the vision boarding seminar which I attended earlier, I had visualized the Kitchenette which I own now,” sabi ni Salazar.
Sinuportahan naman ito ng isa pang OFW na si Rhoda Abarquez Soriano na nagsabing napapanahon ito para sa mga katulad niyang nagtatrabaho sa ibang bansa para umangat sa kinalalagyan niya ngayon.
“We are not always OFWs for a long time. Hindi lang magse-serve ka sa ibang tao. You have to serve yourself also kaya kailangan mong mag-put up ng sarili mong business,” pahayag ni Soriano.
Dagdag niya, nakatutulong ang vision boarding sa mga Pinoy na turuan sila na mag-focus kung ano talaga ang gusto sa buhay.

“It is like a roadmap to your success not only na mag-du-drawing ka lang kasi dito you draw with your emotions and feelings,” dagdag pa niya.
Ang vision boarding and coaching program ay nabuo ng Transforma International LLC matapos matayo ang kompanya na binubuo ng limang Filipino human resources professionals sa United Arab Emirates.
Resulta daw ito ng kanilang obserbasyon sa mga hinaing o sakit ng loob na dinadaanan ng OFWs at maging ng ibang community, at mga pangamba sa buhay na nagiging sagabal sa pag-angat nila.
“It is through visualization that you make things realized,” paliwanag ng CEO ng Transforma na si Sugar Espadera.

“Through [the] vision boarding workshop, natutulungan natin 'yung kapwa Filipino to really understand what they want to achieve in life, how to develop the habit, how to act on it, and how to make it happen.”
Comments