DFA, nagbabala sa publiko laban sa mga nag-aalok ng trabaho sa Iraq via online
- Get link
- X
- Other Apps
Setyembre 10, 2019 8:11pm GMT+08:00
Muling nagbalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa mga umano'y trabaho na maaaring pasukan sa Iraq. Ang naturang mga trabaho, iniaalok umano via online.
Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng DFA na taliwas sa mga lumalabas sa internet, hindi pa inaalis ang deployment ban na ipinatutupad sa Iraq.
"In some cases, these online announcements claim that the existing ban on deployment to Iraq has been lifted. On the contrary, Philippine Overseas Employment Agency (POEA) Governing Board Resolution No. 6, s. 2018, which suspends the deployment of newly hired workers bound for Iraq and the Iraqi Kurdistan Region, remains in effect," ayon sa DFA.
Ipinaalam din ng ahensiya na hindi na papayagang bumalik sa Iraq ang mga nagtatrabaho doon na kasambahay kapag umuwi sila sa Pilipinas para magbakasyon.
Nagbabala rin ang DFA sa mga bibiyaheng Pinoy na mahaharap sa malaking multa at parusa ang mga mahuhuling walang kaukulang dokumento tulad ng visa o paso na ang visa.
Kabilang umano sa mga palatandaan na walang permiso ang mga nag-aalok ng trabaho sa Iraq o posibleng sangkot ito human trafficking ay ang mga sumusunod:"Filipinos who are temporarily vacationing in Iraq or are residing and working before the deployment ban are advised to take note of their visa validity dates," paalala ng ahensiya.
- applicants travel using a tourist visa or visit visa with recruiters promising to issue a worker’s visa upon arrival in Iraq;
- applicants do not possess their own identification documents such as IDs or passports;
- passports are confiscated;
- applicants are advised to inform authorities that they are just visiting a particular city, like Dubai, Kuala Lumpur or Bangkok;
- applicants are advised of particular immigration lanes to choose or given nonverbal cues to lookout for during departure from Clark Airport or the Ninoy Aquino International Airport; agency has no permanent address;
- and agents do not reveal their full names and contact details.
Pinapayuhan ng DFA ang publiko na sundin ang pre-departure formalities na ipinatutupad ng Philippine immigration upang matiyak ang kanilang kaligtasan.--FRJ, GMA News
Comments