OFW sa Jeddah tent city, namatay dahil sa hika



Namatay noong Lunes ang isang undocumented OFW na nakatira sa tent city sa Jeddah, Saudi Arabia, matapos atakehin ng matinding hika.

Kinilala ang namatay na si Louie Bandojo Belista, isa sa mga tinaguriang "distressed" OFW na pansamantalang nakatira sa tent city habang naghihintay na makakuha ng exit visa sa  Saudi immigration para makauwi na ng Pilipinas.

The tent of Louie Belista, who died of asthma on Monday at the camp of distressed OFWs in Jeddah, Saudi Arabia. Ronaldo Concha
Sa panayam ng GMA News sa isang nagngangalang Lerma, nakatira sa katabing tent ni Belista, sinabi nitong humingi pa umano ng tulong sa kanya si Belista para itakbo sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.

Agad naman umanong tumawag ng ambulansya ang iba pang mga kasamahan sa tent city. Ngunit bago pa makarating ang paramedics na rumesponde, nalagutan na ito ng hininga dahil sa umano'y matingding hika.

Noong Hulyo, itinakbo rin sa ospital si Belista dahil sa matinding hika na umatake sa kanya.

Dahil umano sa nangyari kay Belista, lalo pang tumindi ang panawagan ng daan-daang mga OFW sa tent city na tulungan sila upang agarang makauwi sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Vice Consul RJ Sumague na gagawin nila ang kanilang makakaya para matulungang mapauwi ng Pilipinas ang mga labi ni Belista sa lalong madaling panahon.

Daan-daang undocmented OFWs ang nagsimulang nagkampo noong Abril sa harap ng konsulada ng Pilipinas sa Jeddah nang magpatupad ng ultimatum ang pamahalaan ng Saudi Arabia sa undocumented foreign workers sa bansa.

Ngunit pinalawig pa ng KSA ang deadline ng hanggang ika-3 ng Nobyembre sa taong kasalukuyan.— Ronaldo Concha /LBG, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star