Pinay tourist, kabilang sa 5 nasawi sa 'aksidente' sa Beijing; 3 iba pa, kasama sa 38 nasugatan

Kabilang ang isang turistang Pinay sa lima kataong nasawi sa pagsalpok ng isang sasakyan sa mataong pasyalan na Tiananmen Square sa Beijing, China. Samantala, tatlo pang Pilipino ang kabilang sa mga nasaktan sa naturang insidente.

Hindi pa matiyak ng mga awtoridad sa China kung "terrorist act" ang nangyaring insidente matapos mapunta sa mataong bahagi ng pasyalan ang kotse at nagliyab. Patay din umano ang tatlong tao na lulan ng sasakyan.

Sa ipinalabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs, sinabing kinumpirma sa paunang ulat na galing sa Embassy ng China, na kabilang isang Pilipina sa mga nasawi sa insidente.
 
"Beijing's Public Security Bureau informed our Embassy that a Filipina was one of those killed in the car crash in Tiananmen Square earlier today. Three other Filipinos, a male and two females, were also injured and  brought to the hospital," ayon sa ipinalabas na pahayag ni Raul Hernandez, tagapagsalita ng DFA.

"Our  information is that the Filipino fatality and the three injured are tourists. Our Embassy is working to gather more details about this incident and to extend the necessary and appropriate assistance to  the victims. We will keep you informed of developments," dagdag sa pahayag.

Tinatayang nasa 38 katao umano ang nasaktan sa insidente na kinabibilangan ng tatlong Pinoy at isang Japanese, ayon sa ulat ng Reuters news.

Dahil hindi pa batid ang buong detalye sa nangyaring insidente, tumanggi umano si Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying, na magsalita kung itinuturing ng pamahalaan ng China na isang terror attack ang nangyari.

Sa official microblog ng pulisya ng China, sinabi sa ulat na lumihis ng daan ang sasakyan patungo sa pasyalan at nagliyab.

Matapos ang insidente, kaagad umanong nagpulong ang mga opisyal ng pamahalaang sentral at Beijing para imbestigahan ang nangyari at tiyakin ang seguridad sa kapitolyo, dagdag pa sa ulat.

Sikat na pasyalan ng mga turista ang Tiananmen Square, at sentro rin ng mga demonstrasyon katulad ng madugong protesta na naganap noong 1989. -- FRJ, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star