Petition
Sa darating na Enero 2014 ay sisimulan na ng PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION na gawing P2,400 ang babayaran kada taon ng bawat OFW na member ng Philhealth. Doble ito ng binabayaran ngayon na P1,200.
Ito'y hindi makatarungan. Karamihan sa aming mga OFW ay hindi nakakagamit ng benepisyong dapat na ibigay ng Philhealth.
Karamihan sa mga OFW ay mga wala pang asawa at ang kanilang mga magulang ay hindi pa umaabot sa edad na 60 na syang batayan ng Philhealth upang ang magulang ng isang miyembro ay makagamit ng mga benepisyong pang medikal ng Philhealth.
Kailangan ding ayusin ng Philhealth ang mga patakarang kanilang pinatutupad bago makakuha ng benepisyo ang isang miembro ng Philhealth.
Maraming miyembro ang hindi makagamit ng benepisyo dahil lamang sa pagpalya sa paghulog ng isang buwan. Ano ang silbi ng ilang taon na hulog ng isang miembro kung sa pagpalya lamang ng kanyang hulog para sa isang buwan ay hindi sya makakagamit ng kanyang Philhealth? Saan napupunta ang kanyang mga naunang kontribusyon kung ganitong patakaran ang kanilang paiiralin?
Bago silang sumingil ng dagdag na premium, dapat buksan ng Philhealth ang kanilang librong pang pinansyal at ipakita nila sa publiko kung saan napupunta ang pondo ng bayan, lalo na ang kontribusyon ng mga OFW.
Hiling din ng sektor ng mga OFW na gawing OPTIONAL at hindi MANDATORY ang pag member sa Philhealth. Bigyan nila ng karapatan ang taumbayan na mag desiyon para sa kanyang sarili kung nais nyang mag miembro sa Philhealth.
Comments