PhilHealth- “Business as usual” pa rin
Sa kabila ng pagbibitiw ng mga pangunahing opisyal nito sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang mga opisina nito sa buong kapuluan ay nananatiling bukas o “business as usual” upang mapaglingkuran ang mga miyembro nito sa kabila ng kasalukuyang nangyayari.
.
“Nais po naming siguruhin sa aming mga miyembro na wala silang dapat ipangamba dahil ang aming mga opisina ay tuloy-tuloy sa pagbibigay ng serbisyo. Bukas ang aming 17 regional offices, 112 LHIOs, 67 PhilHealth Express, 22 Business Centers at 30 satellite offices, araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am-5:00pm, upang paglingkuran at ipagkaloob ang serbisyong kinakailangan ng ating mga miyembro, pahayag ni Dr. Gigi Domingo, Bise Presidente ng Corporate Affairs Group at opisyal na tagapagsalita ng PhilHealth.
Tuloy-tuloy din ang serbisyo sa 1,250 ospital, 636 primary care facility, 2,654 maternity care package provider at iba pang mga pasilidad na pangkalusugan.
Kung sakali namang may katanungan, tawagan ang Action Center sa telepono bilang 441 7444 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph (END)
Comments