Skip to main content

DOLE may 2 kondisyon sa Kuwait bago bawiin ang total deployment ban


43
CAUAYAN CITY – Dalawa ang kondisyon ng pamahalaan kung nais ng Kuwaiti government na bawiin ang ipinatutupad na total deployment simula kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagpulong kahapon ang governing body ng POEA at nagpalabas ng resolusyon na ipatupad agad ang total deployment ban.
Ayon kay Bello, ipagbabawal ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga household service workers, skilled workers at professional.
Ang puwede lang pumunta sa Kuwait ay ang mga skilled workers at professional na magbabakasyon sa Pilipinas at pinayagan ng employer na bumalik.
Ayon kay Secretary Bello, maaalis ang total deployment ban kung mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jeanelyn Villavende at lumagda ang Kuwaiti government ng standard employment contract.
Ang hakbang ng pamahalaan ay kasunod ng lumabas na autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) na ginahasa si Villavendo at nawawala ang ilang internal organs.
Ayon kay Bello, nagpunta siya mismo sa lugar nina Villavende sa Norala, South Cotabato at nakausap niya ang kanyang mga magulang.
Pinayuhan niya ang mga mamamayan na huwag maniwala sa mga recruiter na nagsasabing ipapadala sila sa Kuwait dahil kasinungalingan ito bunsod ng ipinatutupad na deployment ban.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star