Skip to main content

‘Presyo ng basic goods sa Libya, nagmahal dahil sa US-Iran tension’ – Pinoy


73
CAUAYAN CITY – Aminado ang isang Pinoy na naka-base sa Libya na apektado na ang presyo ng mga bilihin sa naturang bansa dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Miguel Villagracia, naging kapansin-pansin ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto sa Libya kabilang na ang bigas.
Ayon kay Villagracia, na nagsisilbi ring Acting President ng Filipino Parish Pastoral Council ng St. Francis Catholic Church sa Tripoli, na umaabot nasa 90-Dinar ang presyo ng 25-kilo ng bigas na dati ay nasa 3-Dinar lang ang halaga.
Mismong pamahalaan daw kasi ng Libya ang nagsu-subsidized ng bigas noon pero ngayon ay nasa kamay na ng mga negosyante ang importation.
Maging ang presyo ng hamburger na dati ay 1-Dinar lang ay nasa 10-Dinar na ang halaga ngayon.
Ani Villagracia, malaking tulong na libre ang kanilang tubig, kuryente, gayundin na mura ang presyo ng langis.
Sa kabila ng kalbaryo, inamin ni Villagracia na marami pa rin sa mga Pilipino sa Libya ang ayaw umuwi ng bansa.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star