Skip to main content

Pinoy community sa Australia, nag-ambagan para mag donate sa bushfire victims


23
BACOLOD CITY – Nagkaisang mag-ambag ang Filipino community sa Australia para sa mga biktima ng bushfire kung saan kabilang din na lumikas at nasunugan ang mga kababayang Pinoy.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay John Riomalos, sa South Wales, pinangunahan ng Kapatiran ng Masonarya-Filipino community ang paglikom ng donasyon na handa ng ipamigay sa bushfire victims.
“Nagpapasalamat po ako na maraming kababayan natin dito sa Australia, ‘yung tumugon sa aming panawagan, na magtulungan kami para magdonate at makatulong sa bushfire victims. Sa ngayon, marami na ang tumatawag na ready for pick up na ang mga donations nila,” wika ni Riomalos.
Dagdag pa ni Riomalos na ginagawa nilang makatulong bilang pagtanaw din ng utang na loob sa pagtanggap ng bansang Australia sa mga Pilipino.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star