Skip to main content

Mga OFW sa Bahrain, may pangamba na rin sa retaliatory attacks ng Iran at US


59
LA UNION – May pangamba na rin sa kanilang kaligtasan ang ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Bahrain bunsod ng namuong tensiyon sa pagitan ng Iran at Amerika.
Ito ang sinabi sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Nida Cachero, isang OFW sa Bahrain, at tubong Barangay Baraoas, Naguilian, La Union.
Sa nakikita niya ngayon ay nanatiling kalmado at normal ang buhay sa nasabing bansa, bagamat hindi nila maiwasan ang makaramdam ng bahagyang kaba at pangamba dahil sa nangyaring retaliatory attacks ng dalawang bansa.
Kuwento ni Cachero na nakarinig sila ng malakas na pagsabog noong isang araw, nang magpakawala ng missile attack ang Iran sa dalawang US bases sa Baghdad, Iraq.
Gayunpaman, siniguro ni Cachero sa mga kamag-anak nito sa bansa, na ligtas ito kasama ang kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Bahrain.
Kung kaya’t wala siyang balak na sumama sa repatriation ng pamahalaan ng Pilipinas at nanghihinayang na iwan ang trabaho dahil maganda ang pakikitungo sa kanila ng employers ng mga ito.
Ang bansang Bahrain ay isa sa mga bansang kalapit ng Iran at Persian gulf ang nasa pagitan ng mga ito.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star