Skip to main content

‘Ilang Kuwaiti employers, nais ding bitayin ang employer ni Jeanelyn’ – OFW


62
KORONADAL CITY – Hindi rin maiwasan ng ilang Kuwaiti employers na manggalaiti sa galit sa pagmamalupit na ginawa ng babaeng amo ni Jeanelyn Villavende.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Teresa Navarro Margate, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait at tubong Iloilo, nais din ng ilang mabubuting amo na “gahasain, latiguhin at bitayin hanggang sa mamatay” ang babaeng amo ni Villavende nang sa gayon ay maranasan niya ang naranasan ng kaniyang “kadama.”
Katunayan ani Navarro Margate, naging emosyonal pa ang kaniyang babaeng amo nang makita ang mga posts tungkol sa total deployment ban at mga OFW na minamaltrato dahil kung ano kalaki ang kanilang pag-aaruga sa kanila na para nang itinuring na silang pamilya, sadyang may iba namang employer na labis na malupit sa kanilang mga katulong.
Inamin din nitong nag-aalala ang kaniyang inaalagaan na matandang babae na employer kung ano na ang mangyayari sa kanila sakaling sapilitan silang pabalikin sa Pilipinas dahil sa nangyari kay Villavende.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star